PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMDA ramp for PWDs draws criticism: "Medyo delikado ito."

Masyadong matarik.
by KC Cordero
Published Jul 18, 2024
Photo of the controversial ramp
Komento ng marami sa itinayong ramp ng MMDA, dahil sa tarik nito ay baka lalo lang madisgrasya ang mga PWDs sa halip na maging convenient ang kanilang pag-akyat at pagbaba rito. (Photo courtesy of PNA)

Nag-viral ang mga larawan at video ng itinayong ramp para sa mga Persons With Disabilities o PWDs sa PhilAm station ng EDSA Busway sa Quezon City.

Ayon sa mga nakapansin sa rampa, masyado itong matarik para sa mga gumagamit ng wheelchair.

Photo of the controversial ramp
Sa obserbasyon ng publiko, masyadong matarik ang itinayong ramp na ito at hindi convenient para sa PWDs. Photo: Screenshot on YouTube
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ulat ng GMA News nitong July 17, 2024, ang naturang rampa ang magsislbing access sa pagitan ng elevator at ng footbridge.

Pero komento ng netizens, mukhang delikadong gamitin ng mga PWDs ang naturang rampa dahil masyadong matarik iyon para sa kanila.

Read: Lumad Schools: Isang masalimuot, malungkot na kuwento

RAMP DAPAT NAKA-INCLINE NANG 4.8-DEGREE ANGLE LANG

Batay sa implementing rules and regulations (IRR) ng Batas Pambansa 344, o ang Accessibility Law (An Act to Enhance the Mobility of Disabled Persons by Requiring Certain Buildings, Institutions, Establishments and Public Utilities to Install Facilities and Other Devices), ang mga rampa para sa mga PWDs ay dapat na naka-incline lang nang hanggang 4.8-degree angle.

Sketch for BP 344
Ang standard na disenyo ng ramp batay sa IRR ng Batas Pambansa 344. Photo: Building Code of the Philippines
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi ni Architect Armand Eustaquio, isa sa mga nag-draft ng IRR ng BP 344, natuklasan na ang itinayong rampa ay naka-incline nang 14.15 degrees, o mas matarik ng 10 degrees kumpara sa itinakdang standard ayon sa batas.

Sketch for BP 344
Sobra ng 10 degrees ang inclination ng itinayong ramp ng MMDA kumpara sa standard na nasa IRR ng Batas Pambansa 344. Photo: Building Code of the Philippines
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Eustaquio, “Sa case nito, mukhang di nila [PWDs] kakayanin unassisted, especially yung mga gumagamit ng wheelchair.

“Kailangang may magtutulak sa kanila, otherwise, medyo delikado ito.”

Read: Hammer used by grandma for 20 years actually a live grenade

PWD SINUBUKANG GAMITIN ANG RAMP

Ang kontrobersiyal na ramp ay sinubukan din ni Nelson Belo, miyembro ng grupong Life Haven gamit ang kanyang wheelchair.

Sinabi ni Nelson na hindi siya makaakyat sa rampa habang sakay ng kanyang wheelchair dahil masyado nga itong matarik.

Delikado rin aniya kapag pababa naman.

Obserbasyon niya, “Kapag dumidiretso ako doon, may bakal nga. Baka doon ako sumuot sa bakal.”

At kahit may magtulak sa wheelchair, mahirap pa ring gamitin ang naturang rampa.

Read: Tree cut into half by angry neighbor now a tourist attraction

MMDA sinagot ang mga komento sa DISENYO NG RAMP

Matapos mabatikos sa social media, naglabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng pahayag sa official Facebook account nito noong July 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa pahayag ng ahensiya, published as is: “Ukol sa viral photo ng rampa sa EDSA-Philam station ng Busway station sa Quezon City, nais namin ipabatid na mayroong height restriction ang MRT na sinunod ng MMDA kaya hindi naging posible na ipantay ang elevator sa footbridge.”

Paliwanag ng MMDA, “Hindi ito perpektong disenyo lalo na sa mga naka-wheelchair pero malaking tulong pa rin ito para sa mga senior citizens, buntis at ibang PWDs sa halip na umakyat gamit ang hagdan.

Pagtityak ng ahensiya, “Magtatalaga ang MMDA ng mga kawani para umasiste sa mga PWDs kung mahirapan sila pumanhik ng rampa.”

Read: Angry girlfriend runs over boyfriend carrying their baby

Depensa pa ng MMDA, “Kumpara sa nag-viral na photo, hindi ito masyadong matarik kung lalakaran.

“Inilagay ang rampa dahil sa limitadong espasyo at kung wala ito ay hindi maiilagay ang elevator sa istruktura para sa convenience ng mga commuters na sumasakay sa busway station.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Negative social media comments—bakit wala lang yan sa akin

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Komento ng marami sa itinayong ramp ng MMDA, dahil sa tarik nito ay baka lalo lang madisgrasya ang mga PWDs sa halip na maging convenient ang kanilang pag-akyat at pagbaba rito. (Photo courtesy of PNA)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results