Na-curious ka rin ba kung bakit madalas mag-pose sa picture ang mga atleta na kagat-kagat ang kanilang medal?
Dahil sobrang nagiging popular ng pose na ito, gumawa ng joke noon ang organizers ng Tokyo Olympics 2020.
Post nila sa X: “We just want to officially confirm that the Tokyo 2020 medals are not edible!”
Pero ang pose na ito ay ginagawa rin ng winning athletes sa ibang competitions. Mas napapansin lang talaga kapag Olympics.
May ibinigay na ilang paliwanag kung bakit kinakagat ng Olympians ang kanilang medalya.
Kadalasan, ganito ang hinihinging pose ng mga photographers sa atleta, paliwanag ni David Wallenchinsky sa TODAY.
Si David ay president ng International Society of Olympic Historians at author ng The Complete Book of the Olympics.
Read: Teacher in Cebu remembers student, Olympic medalist Jake Jarman
HISTORY OF MEDAL BITING
Hindi tiyak ng Olympic historians kung kailan nagsimula ang nakagawiang pagkagat ng mga atleta sa kanilang medalya.
Pero may teorya ang historians na sinimulan ito para tiyakin kung tunay na gold, silver, o bronze ang medal.
Tulad ng mga napapanood sa pelikula, kinakagat ang mga coins at kapag nagmarka ang kinagatan, nangangahulugang tunay ang mga ito.
Ang real gold ay “malleable” o mas malambot kesa counterfeit gold-plated lead coins.
“We know that only in 1912 the gold medals were real gold and that in all later Olympics the gold medals were made from silver with a gilt layer to show it as being gold,” sabi sa TODAY ni Tony Bijkerk, secretary-general of the International Society of Olympic Historians.
Read: VIRAL: French pole vaulter's crotch knocks off crossbar

Noong 2012, ang Olympic gold medals ay nagtataglay ng 1.34 percent ng ginto, dahilan para maging isa ito sa “biggest medals.”
Binanggit ni Tony na sa paglipas ng panahon, ang gold layer ay kumukupas.
Sabi niya, may kaibigan siyang Olympic gold medalist, si Fanny Blankers-Koen, na nakaapat na gold medals sa 1984 Summer Olympics sa London.
Sinabi raw ni Fanny kay Tony na dalawang beses niyang pinaayos ang kanyang gold medals dahil kumupas sila paglipas ng mga taon.
Naniniwala rin si Tony na siniseryoso ng ilang Olympic medalists ang pagkagat sa kanilang mga medalya para mamarkahan ang mga ito.
Noong 2010 Winter Olympics, naibalita ang German Olympian na si David Moeller matapos mabali ang kanyang ngipin habang kinukunan ng mga larawan na kinakagat ang kanyang silver medal.
Sinabi naman ng isang psychologist na si Frank Farley, dahil nakasanayang makita ang Olympic medalists na kinakagat ang kanilang medals, ginagawa na rin ito ng mga sumunod na Olympic medalists.
Aniya, “If you want to be part of the winning zeitgeist, that winning culture, you participate in that winning practice."
Pagpapatuloy ni Frank, ang pagkagat ng mga Olympic medalists sa kanilang medalya ay naging bahagi na ng mga seremonyas ng mga winners.
Ayon sa psychologist: “It makes your medals yours. It’s an emotional connection with your accomplishment.”
At kung magmarka man ang kanilang kagat sa medalya, di ba’t parang minarkahan lamang nila ang gintong medalya na kanilang pinaghirapan?
