Patuloy na pinapalawak ng Cebu Pacific (CEB) ang mga biyahe nito sa iba’t ibang destinasyon—domestic man o international.
Kamakailan ay inilunsad nito ang biyahe papuntang Hong Kong via Davao.
Ibabalik din ang direct flights sa Singapore at Iloilo bago matapos ang kasalukuyang taon.
Sa Facebook post ng Changi Airport ngayong August 15, 2024, sinabing ang CEB ang tanging airline na magkakaroon ng nonstop Singapore-Iloilo route tatlong beses sa loob ng isang linggo at isasagawa tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Sisimulan na ito sa November 25, 2024.
Read: Student chronicles 134 days of travel without gadgets

Read: Employee calls in sick then bumps into boss on plane
Ang flights naman mula Davao papuntang Hong Kong and vice versa ay apat na beses kada linggo.
Isasagawa ito tuwing Lunes, Miyerkules, Biyernes, at Linggo, at sisimulan na sa October 27, 2024.
Dahil dito, magiging mas komportable na para sa mga pasahero sa Visayas at Mindanao ang pagbiyahe sa mga nabanggit na bansa.
Read: Woman wins lotto; big brother demands half of her prize
IBA PANG DOMESTIC ROUTES NG CEBU PACIFIC
Ang mga pasahero ay maaari nang mag-book ng Davao-Hong Kong at Iloilo-Singapore tickets “for as low as PHP1 one-way base fare” hanggang August 31, 2024 para sa mga biyaheng hanggang March 29, 2025.
Hindi kasama rito ang fees and surcharges.
Ilulunsad din ang mga biyahe papuntang Caticlan, Puerto Princesa, at Tacloban sa October 2024.
Sa kasalukuyan, ang CEB ay nagbibiyahe sa 35 domestic and 26 international destinations.
Read: 38-year-old writer chooses to live in home for the elderly
