Pinag-iingat ngayon ang mga residenteng malapit sa Taal Volcano, gayundin ang mga nasa kalapit lugar, dahil sa volcanic smog o vog bunsod ng sulfur dioxide emission ng Taal Volcano.
Maraming face-to-face classes ang nasuspinde ngayong Lunes, August 19, 2024, sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) area pati na rin sa Parañaque at Muntinlupa dahil sa vog.
Nag-shift muna ang iba sa online class para patuloy pa ring makapag-aral ang mga estudyante.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasa alert level 1 o low-level unrest ang Taal Volcano.
Mula pa kasi noong Huwebes, August 15, 2024, ay naglalabas na ng 3,355 toneladang sulfur dioxide per day ang Taal Volcano.
Read: Here are tips and products to keep white laundry white
DOH RELEASES ADVISORY
Naglabas na rin ng advisory ang Department of Health (DOH) kaugnay ng vog sa Calabarzon area.
Paalala ng ahensiya, may panganib na dulot ang sobrang exposure sa vog.
“Ang usok o VOG ay masama sa kalusugan na maaring magdulot ng iritasyon sa mga mata, lalamunan, at respiratory tract na maaring maging malubha depende sa konsentrasyon o tagal ng pagkalanghap,” babala ng DOH via FB post nitong Lunes.
Kalakip ng advisory ay mga reminders na dapat gawin, pati na rin mga karagdagang impormasyon mula sa Philvolcs.
- Iwasan ang mga outdoor na aktibidad para malimitahan ang exposure
- Isara ang mga pinto at bintana upang mapigilan ang pagpasok ng vog.
- Takpan ang ilong at bibig, at magsuot ng N95 facemask kung may magagamit.
- Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga.
Read: Cebu Pacific to resume Singapore-Iloilo nonstop flights

WHAT IS VOG
Ipinaliwanag naman ng Phivolcs via Facebook post ngayon araw kung ano ang vog.
Ayon sa ahensiya, ang vog ay binubuo ng sulfur dioxide gas at iba pang volcanic gases na humahalo sa atmospheric oxygen, moisture, alikabok, at sikat ng araw.
Ito ang nagdudulot ng paglabo ng kapaligiran o hazy kapag may presensiya nito.
