PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

57 percent of Pinoys not in favor of divorce

Class ABC suportado ang panukala.
by KC Cordero
Published Aug 20, 2024
Hands holding a paper with divorce text
Lampas kalahati ng Filipino adults ang hindi pabor sa legalisasyon ng divorce sa Pilipinas. Karamihan sa mga tumutol ay nagmula sa Class D and E. Ang mga nagmula naman sa Class ABC ang may pinakamalaking suporta sa panukala. Hindi rin iboboto ng mayorya ng mga Pinoy ang mga pulitikong nagsusulong ng divorce. (Photo courtesy of Freepik)

Mahigit sa kalahati ng mga Pilipinong kabilang sa adult population ang tutol sa legalisasyon ng divorce sa Pilipinas.

Batay ito sa pinakahuling survey ng OCTA Research na isinagawa mula June 26 hanggang July 1, 2024.

Sa resulta, makikitang ang 57 porsiyento ng Filipino adults ay hindi suportado ang pagpasa ng batas para gawing legal ang divorce sa bansa.

Art card depicting divorce
Marami pa ring Pilipino ang hindi pabor na maging legal na ang divorce sa ating bansa. Photo: Freepik
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa OCTA, ang resulta ng June 2024 survey ay nagpapakita ng anim na porsiyentong pagtaas kumpara sa naitalang 51 porsiyento na resulta ng isinagawang survey noong third quarter ng 2023.

Lumalabas din na nasa 39 porsiyento ng Filipino adults ang pabor sa divorce, na mababa ng dalawang porsiyento kumpara sa naunang survey.

Apat na porsiyento naman ng respondents ang hindi makapagdesisyon tungkol sa isyu.

Read: Jhong Hilario seeks legal recognition of divorce from ex-wife

MAHIHIRAP NA PILIPINO ANG TUTOL SA LEGALISAYSON NG DIVORCE

Sa mga lugar na isinagawa ang survey, nasa Balance Luzon ang pinakamaraming tutol sa legalisasyon ng divorce na may 61 porsiyento.

Pagdating naman sa socio-economic classes, ang mga nasa Class ABC—na may 53 porsiyento—ang may pinakamalaking suporta sa panukala.

Pinakamarami naman ang tumutol sa mga nagmula sa Class D and E, na may 58 percent.

Napag-alaman din sa naturang survey ng OCTA Research na nasa 55 porsiyento ng Filipino adults ang hindi boboto sa mga kandidatong nagsusulong ng legalisasyon ng divorce sa ating bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa 39 porsiyento naman ang nagsabing boboto sa mga kandidatong suportado ang legalisasyon ng divorce.

Read: Court validates Carla Abellana's divorce from Tom Rodriguez

DIVORCE LAW PASADO SA LOWER HOUSE PERO HINDI PRAYORIDAD NG SENADO

Para sa mga Filipino adults na suportado ang legalisasyon ng divorce, nasa 94 porsiyento ang nagsabing ang mga married couples na hindi na nagsasama at wala nang pag-asang magkasundo pa ay dapat payagang mag-divorce para legal silang makapag-asawang muli.

Ang 95 percent ng mga pabor sa legalisasyon ng divorce ay nagsabi rin na dapat maging available ang divorce para sa mga asawang inaabuso o kaya ay sinasaktan.

Para naman sa 96 percent ng mga pabor sa legalisasyon ng divorce, ang mag-asawang napakatagal nang hiwalay at hindi na nagkasundo pa ay dapat na ring payagang mag-divorce.

Sa isinagawang survey, tinanong ang 1,200 individuals gamit ang face-to-face interviews.

Read: Man wants wife to quit job; she demands half of his company

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong May 22, 2024, inaprubahan na ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) 9349 o ang proposed Absolute Divorce Act.

Naipadala na ito sa Senado noong June 10, 2024 para talakayin naman ng mga senador.

Nauna nang sinabi ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na hindi prayoridad ng Senado ang divorce bill.

Ayon kay Estrada, “Uunahin namin yung mga priority bills. '

“Yung divorce bill naman, kahit may divorce bill o walang divorce bill, hindi makakatulong sa kumakalam na tiyan yan.”

Read: Max Collins plans to divorce Pancho Magno: “I don’t believe in marriage”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lampas kalahati ng Filipino adults ang hindi pabor sa legalisasyon ng divorce sa Pilipinas. Karamihan sa mga tumutol ay nagmula sa Class D and E. Ang mga nagmula naman sa Class ABC ang may pinakamalaking suporta sa panukala. Hindi rin iboboto ng mayorya ng mga Pinoy ang mga pulitikong nagsusulong ng divorce. (Photo courtesy of Freepik)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results