Sisimulan na sa January 2025 ang pagtatayo ng steel bridge na magsisilbing temporary bridge para sa kukumpunihing EDSA-Guadalupe bridge.
Sa pulong balitaan sa Pasig City noong August 29, 2024, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Atty. Romano Artes na mahigit 10 months ang aabutin ng pagtatayo ng temporary bridge.
Read: Cardinal Sin’s old house now a museum

Read: Manila to give PHP2K cash gift to PLM, UDM graduating students
Paglilinaw ng MMDA Chairperson, “Nakalagay sa terms of reference na once sinara kailangan mabuksan within 17 months.
"In effect, more or less 17 months ang construction ng outer lanes nitong Guadalupe Bridge."
Dahil dito, sa October pa ng susunod na taon masisimulan ang partial closure ng tulay na dapat sana ay gagawin sa September o October this year.
Paliwanag pa ni Artes, nagkaroon ng problema sa procurement kaya naantala ang proyekto.
Maliban dito, iniwasan din ng gobyerno na abutin ng Pasko ang rehabilitasyon ng tulay na magdudulot ng nakapabigat na daloy ng trapiko.
Read: 57 percent of Pinoys not in favor of divorce
INNER BRIDGE NG GUADALUPE BRIDGE MANANATILING BUKAS
Samantala, nilinaw ni Artes na outer bridge lang ang isasara sa Guadalupe Bridge at mananatili namang bukas ang inner lanes.
Napag-alamang nasa 50 taon na ang tanda ng tulay kaya kinakailangan nang magsagawa ng rehabilitasyon para matiyak na ligtas ang istraktura nito sakaling tumama ang lindol na binansagang "the big one."
Read: Cebu Pacific to resume Singapore-Iloilo nonstop flights

Read: SSS MySSS Pension Booster program boasts 7.2% interest rate
Noong 2012 pa ipinanukala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang retrofitting ng Guadalupe Bridge matapos makitang may mga bitak ang columns.
“Bear with us because you do not want to be stuck in the Guadalupe Bridge when an earthquake happens,” ayon kay DPWH Undersecretary Maria Cabral.
Dagdag pa ni Cabral, “The JICA study said that the West Valley Point is due anytime, to emit an energy equivalent to a magnitude 7 earthquake.”
Tinatayang nasa 141,000 motorista ang maaapektuhan ng pagpapakumpuni ng tulay.
Pagtitiyak naman ni Artes, “Hanggang hindi nagagawa ang temporary bridge, wala pong pagsasara na gagawin.”
Read: Swiss Army Knife to remove blade in its new model
