Itinalaga ni President Ferdinand R. Marcos Jr. si Cesar Chavez bilang acting secretary ng Presidential Communications Office (PCO).
Nanumpa si Chavez sa Pangulo noong September 5, 2024.
Maglilingkod siya sa acting capacity habang hindi pa kinukumpirma ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga sa kanya bilang pledged Cabinet secretary.
Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang Pangulo sa kakayahan ni Chavez dahil na rin sa matagal nitong panunungkulan sa gobyerno.
Read: Guadalupe Bridge to be closed for 17 months starting October 2025

Read: Meet Abi Marquez, Internet’s “Lumpia Queen”
Ayon sa Pangulo, “I am the sixth president that he has served, which speaks volumes of the man’s capabilities.
“In these six successive administrations, he has performed exceedingly well in various positions in government.”
Dagdag pa ng Pangulo, “We even worked alongside each other as former members of the 1992 Congress.”
Umaasa rin siyang ipagpapatuloy ni Chavez ang naging dedikasyon at kasanayan na ipinakita nito sa nakalipas na tatlong dekada ng serbisyo publiko.
Dapat din aniyang tiyakin ng bagong PCO chief na malinaw at agad na naihahatid at naipapaliwanag sa mga Pilipino ang mga ginagawa ng gobyerno.
“My only instruction to him: Just tell the truth,” sabi ng Pangulo.
Read: Alvin Elchico replaces Henry Omaga-Diaz as TV Patrol weekday anchor
CHAVEZ VOWS TO FIGHT FAKE NEWS
Sa unang media interview sa kanya ng Malacañang Press Corps bilang PCO chief, sinabi ni Chavez na magkakaroon siya ng aktibong papel sa paglalahad ng mga polisiya ng gobyerno sa isyu ng West Philippine Sea.
Palalaganapin din ng kanyang tanggapan ang promosyon ng Build Better More Infrastructure Program ng kasalukuyang administrasyon.
Tuloy rin ang pagbaka laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at fake news.
Read: PEP joins GMA Network's 'Panata Kontra-Fake News' campaign
CHAVEZ HAD AN OFFER SINCE 2022
Isang beteranong broadcast journalist, ibinunyag ni Chavez na unang inialok sa kanya ni President Marcos Jr. ang PCO post noong August 2022.
Tinanggihan niya ang offer dahil nakapag-commit na siya noon sa railway sector.
Noong December 2023 ay itinalaga siya bilang presidential assistant on strategic communications na may rank na undersecretary.
Naging news anchor at station manager din siya ng DZRH, at vice president ng Manila Broadcasting Company, ang parent company ng naturang radio station.
Read: Manila to give PHP2K cash gift to PLM, UDM graduating students
Si Chavez ang ikatlong communications chief ng Marcos administration.
Noong October 2022, nagbitiw si Trixie Cruz-Angeles bilang press secretary dahil umano sa problemang pangkalusugan.
Pinalitan siya ni Cheloy Garafil bilang officer-in-charge, at naging full-pledged PCO Secretary noong January 2023.
Matapos palitan ni Chavez, itinalaga naman ng Pangulo si Garafil bilang bagong hepe ng Manila Economic and Cultural Office (MECO).
Ang MECO ang nagsisilbing link sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga mamamayan ng Taiwan.
Read: Cebu Pacific to resume Singapore-Iloilo nonstop flights
