Idineklara ni President Nicolas Maduro ng Venezuela na ang petsa ng Pasko sa bansa ngayong 2024 ay ipagdiriwang na sa darating na October 1.
Inihayag ito ni Maduro noong September 3 sa kanyang weekly television program.
Aniya, “September smells like Christmas!
“I am going to decree the beginning of Christmas on October 1.
“Christmas arrived for everyone, in peace, joy and security!”
Read: President appoints Cesar Chavez as new Communications Secretary

Read: Man dies after 23 of his teeth are removed in a single session
Hindi ito ang unang pagkakataong binago ni Maduro ang petsa ng pagdiriwang ng Pasko sa Venezuela, isang Catholic-majority country, mula nang palitan niya si Hugo Chavez sa puwesto noong 2013.
Pero ang kanyang naging aksiyon sa pagkakataong ito ay para-ma-distract ang mga Venezuelans na nagpapakita ng galit dahil sa naging resulta ng eleksiyon—na ayon sa mga nasa opposition ay sila ang nanalo.
Read: “World’s most expensive cigar lighter” is worth PHP28M
PANALO NI MARUDO SA ELEKSiYON SA VENEZUELA, PINUPROTESTA
Ginanap ang eleksiyon sa Venezuela noong July 28, 2024.
Nakatunggali ni Maduro si Edmundo Gonzalez Urrutia.
Idineklara ni Maduro na siya ang nanalo.
Read: Hotdog eating contest champ wins PHP5.6M prize

Read: Billionaire surprises YouTuber with watch worth PHP200K
Nanumpa sa kanya ang kanyang bagong Gabinete noong August 28.
Ang claim naman ng kampo ng opposition candidate na si Urrutia na sila ang tunay na nagwagi ay suportado ng United States at ng iba pang Latin American countries.
Maging ang Mexico, Colombia, at Brazil na kilalang malapit kay Maduro ay tumangging kilalanin ang official result ng eleksiyon hangga’t hindi nila nakikita ang detalyadong tally ng mga boto.
Kinuwestiyun din ng United Nations, ng Carter Center, at iba pang international groups ang pagdedeklara ni Maduro na siya ang nanalo.
Sinabi naman ng elections agency na hindi nito mailathala ang records ng eleksiyon dahil na-corrupt ang mga data—na kagagawan daw ng mga hackers.
Pero ayon sa mga nag-obserba sa eleksiyon, walang ebidensya sa claim na ito ng elections agency.
Naglabas ang prosecutor’s office ng arrest warrant para kay Urrutia dahil sa patuloy nitong paggigiiit na siya ang nanalo sa eleksiyon.
Kasalukuyan ngayong nagtatago si Urrutia—na pinaratangang duwag ni Maduro.
Read: Hand-soap maker wins case vs. global brand Carolina Herrera
EARLY CHRISTMAS CELEBRATION SA VENEZUELA, TAKTIKA NI MARUDO
Matapos ideklara ni Maduro na siya ang nagwagi sa eleksiyon ay sumiklab ang protesta sa Venezuela.
Nasawi ang 25 sibilyan at dalawang pulis, habang nasa 200 katao ang nasugatan.
Ikinulong din ang mahigit 2,400 protestors.
Read: Cardinal Sin’s old house now a museum

Read: John Tinniswood, 112, of the UK is world’s oldest living man
Binatikos naman ng religious groups ang maagang pagdiriwang ng Christmas season sa Venezuela—na sobrang napakaaga.
Nangangahulugan kasi ito na bukod sa maagang paglalagay ng Christmas decorations ang mga Venezuelans ay maaga ring makakatanggap ng bonus mula sa gobyerno ang mga government employees.
Para sa mga religious groups, taktika ito ni Maduro para ma-distract ang mga tao, maging masaya ang mga damdamin nila dahil sa ligayang hatid ng maagang Christmas, at mawala ang atensiyon sa kanyang palpak na pamamalakad.
Read: Fil-Am cop Austin Machitar killed in car crash
OCTOBER 1 CHRISTMAS CELEBRATION, GIFT NI MADURO SA SARILI
Matagal nang bagsak ang ekonomiya ng Venezuela sa ilalim ng pamumuno ni Maduro.
Bagaman at kuwestiyunable ang resulta ng eleksiyon, ito na ang ikatlong six-year term ng 61-year-old leader—na sinasabing hindi nakapaghatid ng magandang pagbabago sa bansa.
Simula noong 2014, mahigit pitong milyong Venezuelans na ang nangibang bansa para maghanap ng greener pasture.
Sa nakaraang sampung taon, ang gross domestic product ng Venezuela ay bumagsak ng 80 porsiyento.
Kapos ang mga tao sa pagkain at medisina. Wala ring sapat na supply ng elektrisidad.
Laganap ang katiwalian, at talamak ang paglabag sa mga karapatang pantao.
Kaya para sa mga kritiko ni Maduro—ang pagtatago sa tunay na resulta ng eleksiyon, pagbibilanggo sa kanyang mga kalaban, pangungunyapit sa puwesto, at ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Pasko sa October—ay maagang Christmas gift niya sa sarili.
Read: Teen goes on hunger strike to force mom into buying him an iPhone
