Nag-file ng bankruptcy ang Tupperware, ang kilalang manufacturer ng plastic food storage containers sa buong mundo.
Marami kasing kinakaharap na problemang pinansiyal ang kumpanya, at bumagsak na rin ang benta at popularidad ng mga produkto nito.

Sa inilabas na pahayag ni Laurie Ann Goldman, president and CEO ng Tupperware Brands Corporation, noong September 18, 2024, sinabi niyang, “Over the last several years, the company’s financial position has been severely impacted by the challenging macroeconomic environment.”
Sa Chapter 11 ng Bankruptcy Code ng U.S. ay pinapayagan ang mga kumpanya na maresolba ang kanilang problemang pinansiyal sa pamamagitan ng restructuring.
Dagdag na pahayag ni Goldman, “This process [Chapter 11 of Bankruptcy Code] is meant to provide us with essential flexibility as we pursue strategic alternatives to support our transformation into a digital-first, technology-led company.”
Read: 8-year-old girl drives mom’s SUV to shop and have Frappuccino
WHAT IS A CHAPTER 11 BANKRUPTCY?
By definition, ang bankruptcy ay isang legal na proseso para sa mga tao at mga kumpanyang hindi makabayad ng utang.
Sa paliwanang ng Esquire Philippines, ito ay initiated ng "Debtor" at imposed ng isang court order.
Hango ito sa Chapter 11 ng United States Bankruptcy Code.
Ang kaibahan nito sa Chapter 7, kung saan ili-liquidate ang assets para mabayaran ang creditors, ay nasa debtor pa rin ang ownership at kontrol ng kumpanya habang nakikipag-negotiate sa terms para mabayaran ang mga utang ng kumpanya.
Nagbibigay ito ng panahon sa debtor para makahanap ng investors, kung meron man, at ng pag-asang makabangon.
Read: Appliance store loses PHP236M in 20 minutes due to pricing error
TUPPERWARE POPULAR NOON NA FOOD STORAGE
Sikat noon ang Tupperware products.
Bago nauso ang mga microwaveable, sikat ito bilang baunan sa eskuwelahan o maging sa trabaho.
Ito rin ang madalas gamiting food storage dahil siguradong selyado kapag inilagay na ang takip.
Ang mga produkto nito ay ibinibenta sa mga consumers sa pamamagitan ng direct selling.

Ang paraang ito ng pagbebenta ay tinatawag ng kumpanya na “Tupperware parties,” na katulad ng business model ng cosmetics company na Avon—na kamakailan lang ay nag-file na rin ng bankruptcy.
Read: Avon Products Inc. files for bankruptcy; faces over 300 lawsuits
Seventy-eight years na ang kumpanya, at pinalakas ng Tupperware brand ang kakayahan ng mga kababaihang pasukin ang sales business dahil sila ang naglalako nito noon.
Noong 2022, nagsimulang itinda ang Tupperware products sa mga outlets ng Target sa pagtatangkang makakuha ng customers sa grocery.
Read: Crumbs, overweight cat, put on strict diet and exercise regimen
POSIBLE PANG MAIBENTA ANG KUMPANYA
Ano ang mangyayari sa Tupperware?
Ayon kay Susannah Streeter, head of money and markets ng UK investment platform na Hargreaves Lansdown, “The party is over for Tupperware.”
Pero may posibilidad na maibenta pa rin ang kumpanya.
“There is still a chance a buyer for the business can be found.”
Pero pasubali niya, “But, with plastic seen as far from fantastic among eco-aware consumers, revitalizing the brand will be an uphill struggle.”
Ang pagiging maingat na ng mga tao sa buong mundo sa paggamit ng plastic ay nakaapekto rin sa benta ng mga Tupperware products.
Bagamat leading brand ito noon bilang food container, naungusan ito ng ibang brands sa innovation.
Read: “Wedding destroyer” gets paid by brides not ready to get married
TUPPERWARE 2023 PA IPINAALAM ANG PAGKALUGI
Unang ipinabatid ng Tupperware na nalulugi ito noong April 2023.

Ayon sa kumpanya na nakabase sa Orlando, Florida, noong panahong iyon ay kapos na ito sa pondo, at kung hindi ito makakakita ng karagdagang cash, hindi na nito maipagpapatuloy ang operasyon.
August 2023 ay nagkaroon ng pondo ang kumpanya matapos nitong makipag-deal sa creditors nito na babawasan ang interest payment obligations ng US$150 million.
Nakakuha rin ito ng US$21 million sa bagong financier.
Bukod dito, na-extend din ang deadline sa pagbabayad nito ng US$348 million na pagkakautang.
Nabawasan din ang utang nito ng halos US$55 million.
Gayunpaman, bumagsak pa rin ang kita ng Tupperware sa kabila ng mga pinasok nitong deal.
Read: Influencer admits PHP8-million cosmetic surgery changed her life
148 TUPPERWARE EMPLOYEES NAWALAN NG TRABAHO
Ngayong 2024 ay isinara na ng Tupperware ang kaisa-isa nitong planta sa South Carolina, U.S.
Umabot sa 148 empleyado nito ang na-lay off.
Sinabi naman ng kumpanya sa inilabas na pahayag noong September 18 na hihilingin nito ang pagsang-ayon ng bankruptcy court na maipagpatuloy ang operasyon nito habang dinidinig pa ang Chapter 11 bankruptcy proceedings.
Maraming negosyo ang nagpa-file ng bankruptcy protection para mabawasan ang ilang operasyon nito, mapaliit ang utang, at maging ang gastos. Karaniwang ginagamit dito ang Chapter 11 ng Bankruptcy Code.
Read: Viral salad videos cause shortage of cucumber in Iceland
Ngayong 2024, ang shares ng Tupperware sa stock market ay bumagsak nang 74.5 percent.
Ang kada share ay nabenta lang ng US$0.51 o PHP28.34.
Wala pang inilalabas na pahayag ang Tupperware Philippines habang sinusulat ang artikulong ito.
Ang brand ay in-introduce sa Pilipinas noong 1966.
Noong 2007, nakipag-merge ang Tupperware Philippines sa Sara Lee Direct Selling Philippines.
Ang merger ay tinawag na Fullerlife Direct Selling Philippines.
Read: 1975 10-centavo coin without mint mark now worth PHP28M
