PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Inmates in Manila City jail enroll in PUP Open University

Seventy-two people deprived from liberty are enrolled in the PUP offering
by Allyanah Marielle T. Calinao
Published Sep 30, 2024
PDLs in Manila City Jail for PUP Open University
Around 72 inmates at the Manila City Jail avail the Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management course offered by the Polytechnic University of the Philippines-Open University System.
PHOTO/S: PUP Open University System on Facebook

Ang edukasyon ay walang pinipili — para ito sa lahat.

Iyan ang pinatunayan ng Polytechnic University of the Philippines-Open University System (PUP - OUS) matapos isagawa ang kanilang kauna-unahang synchronous session sa Manila City Jail - Male Dormitory noong September 18, 2024.

Sa Facebook post ng PUP-OUS, ibinahagi nila na ang groundbreaking session ay dinaluhan ng pitumpu’t dalawang (72) Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sila ay kasalukuyang enrolled sa programang Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.

Ayon sa post, puno ng “enthusiasm and determination” ang PDL students dahil sa pagkakataong ibinigay sa kanila para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sa proyektong ito, natututo sila ng mga mahahalagang kaalaman at kasanayan na maaari nilang magamit in the future.

Higit sa lahat, binibigyan din sila ng pag-asang mangarap muli at magtagumpay sa hinaharap, sa kabila ng kanilang kasalukuyang kalagayan.

Tuluy-tuloy naman ang gagawing synchronous sessions para sa inmates upang matiyak na ang matatanggap nilang academic support at engagement ay tulad ng natatanggap ng college students sa PUP campus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung sa kalagitnaan ng pag-aaral ay makalaya man sila, ipagpapatuloy nila ang pag-aaral sa Bureau of Jail and Management Penology o kaya ay via online, ani Assistant Professor Mark Christian Catapang ng PUP OUS.

Read: TikToker who wedded solo dies after falling from building

PUP WINS NETIZENS’ PRAISE FOR JAIL EDUCATION INITIATIVE

Ang PUP, na isang state university, ay naglalayong magbigay ng kalidad na edukasyon sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Ang kanilang latest step na mag-educate maging ng mga PDL sa Manila City Jail ay nagpapakita na posible ang isang mas inklusibo at patas na sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Bunsod nito, umani ang unibersidad ng mga papuri at pasasalamat mula sa netizens.

(Note: All comments are published as is.)

Sabi ng isa, “A big shoutout to PUP OUS for making a positive impact on the lives of our PDL. This program is a beacon of hope, showing that even in the darkest of times, there's always a chance for a brighter future. Thank you for your dedication and commitment to making a difference. #ProudPUPian”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
PUP comment 1

Read: Foreigners cheer on Pinoy nurses after Best Nurse meme goes viral

Sabi naman ng isa pa, “Bringing second chances....in education....and in life..kudos PUP!!”

Pagsaludo ng isang netizen: “SALUTE to PUP OUS bringing education accessible for all of us!”

PUP comment 2
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ipinahiwatig naman ng isang netizen na bagama’t minsan nang nagkamali ang mga bilanggo, darating pa rin ang araw na sila ay magbago.

Ang sabi niya, “Big shout out.kadalasan sa mga nakakulong gumawa Ng Mali dahil walang mga matapos.ngaun bibigyan nyo Sila Ng opportunity para mabago Ang Buhay nila.”

PUP comment 3

Ang iba naman, proud na proud sa kanilang alma mater dahil sa ganitong initiative.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang isang netizen, sinuportahan ang inmates sa kanilang pag-aaral. Ganito ang kanyang sinabi: “Education for ALL, let’s give them this one lifetime opportunity to earn Bachelor’s Degree while serving their sentences, two-thumbs puti these men, good luck on your education journey”

Sa pamamagitan ng kanilang inisyatibong ito, binibigyan ng PUP ng pagkakataon ang mga PDL.

Sa ngayon, nakatuon ang unibersidad sa pagpapatuloy ng pagsasagawa ng synchronous sessions para sa PDL students.

Ito ay upang matiyak na makakatanggap sila ng parehong suporta at kalidad na edukasyon tulad ng mga normal na estudyante sa labas ng piitan.

Umaasa ang PUP na ang inisyatibong ito ay magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng PDL students at magamit ito upang muling makapag-ambag sa lipunan pagdating ng kanilang paglaya.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Around 72 inmates at the Manila City Jail avail the Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management course offered by the Polytechnic University of the Philippines-Open University System.
PHOTO/S: PUP Open University System on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results