PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Spike in Pinoys marrying foreigners due to social media, says CFO

6,000 out of around 6,500 of inter-marriages are Filipinas.
by Bernie V. Franco
Published Oct 2, 2024
wedding
Commission on Filipinos Overseas (CFO) reveals that around 6,500 Filipinos married foreigners in 2022.
PHOTO/S: Takmeomeo via Pixabay

Mas maraming Pilipino ang nakapangasawa ng foreigners nitong mga nakalipas na taon, ayon sa Commission on Filipinos Overseas (CFO).

Ang paglobo ng bilang ay dahil sa social media, kumpirmasyon ni Secretary Romulo “Leo” Arugay, chairman ng CFO.

Higit 6,500 ang narehistrong inter-couples, at 6,000 sa mga ito ay mga Pilipinang babae.

Nagkaroon ng 20-30 percent na pagtaas ng mga Pilipinong nakapangasawa ng banyaga noong 2022, ayon pa kay Arugay sa interview niya sa Bagong Pilipinas Ngayon ng PTV4.

“Sa totoo po ay mataas na po ang antas ng marriage migrants, at least 2007,” ani Arugay.

“At naantala lang po noong nagkaroon ng pandemya…

“Ngayon po ay tumaas noong 2022 nang napakalaking porsyento—20 to 30 percent…

“Almost 6,500 plus ang nagrehistro ng ating mga kababayan na nag-aasawa ng mga banyaga.

“At dito ay 600 plus ay mga kalalakihan, at 6,000 plus ang kababaihan.”

Read: Foreigners cheer on Pinoy nurses after Best Nurse meme goes viral

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Wedding
According to Commission on Filipinos Overseas, 6,000 out of 6,500 are Filipinas who married foriegners.
Photo/s: StockSnap via Pixabay

Read: Ex-Japanese boxer imprisoned for 48 years for murder, not guilty

more filipinos marrying foreigners

Binanggit din ng kalihim ang ilang datos tungkol sa inter-marriages ng mga Pilipino.

“Nakikita namin ang pagtaas ng antas ng mga Pilipino [nakapag-asawa] na mga banyaga ay pag ano ng social media…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangunguna raw sa mga banyagang nagiging asawa ng mga Pilipino ay mula sa U.S., Japan, Germany, Canada, at Australia.

Ipinaliwanag ni Arugay ang papel ng CFO sa OFWs.

Sabi ni Arugay, “Ang mandato po nito ay ang interes at karapatan at para sa kasaganaan ng mga Pilipinong umalis na.

“We are talking about welfare. Ano ba ang dapat pagtuunan ng pansin ng ating gobyerno.”

Tinitiyak din ng CFO na bago umalis ang mga kababayan para magpakasal ay kumpleto na sila sa mga papeles, tulad ng visa.

Isinasailalim din daw sila sa guidance and counselling programs ng ahensiya.

“Dito po ay tatalakayin nila ang mga aspeto kung ano ba ang kinakaharap niya sa bansang pupuntahan, at ano ang dapat niyang malaman nung intercultural marriage.”

“Bago umalis po rito ay haharap po sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay, at lalung-lalo na sa banyaga mag-aasawa ay kailangan bigyang-diin ng ating gobyerno sa masusing proseso, proper guidance, and counseling sa Pilipinong mag-aasawa ng banyaga.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Commission on Filipinos Overseas (CFO) reveals that around 6,500 Filipinos married foreigners in 2022.
PHOTO/S: Takmeomeo via Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results