Sinimulang muli ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pag-iisyu ng postal functional card o Postal ID sa buong bansa.
Sa inilabas na pahayag kahapon, October 17, 2024, sinabi ng PHLPost na nagsimula na ang Postal ID registration noong October 15.
Layunin nitong masolusyunan ang problema ng mga Pilipinong kailangan ng ID para sa verification.
Ang mga government and private institutions ay maaaring gumamit ng Postal ID para matiyak na tama ang delivery ng mga sulat at parcels.
Read: Pinay student wins gold in World Youth STEM Invention Innovation

Read: VIRAL: Mark Zuckerberg painting nails of daughter
Ayon kay PHLPost Postmaster General Luis Carlos, “We expect that people will be going to renew or apply for a Postal ID card at the very least, and the public should be aware not to fall from scammers who will try to get money and obtain their personal information via text or messages and through social media sites.”
Paalala ni Carlos sa mga gustong kumuha ng Postal ID, “Do not share personal or financial information, whether it's via Facebook, e-mail, phone call, or text message.
“Apply for a Postal ID only at PHLPost offices."
Read: 1776 Continental coin found in tin can sold for PHP1.8M
Pinayuhan din niya ang publiko na bisitahin ang official website at social media accounts ng PHLPost para sa listahan ng registration sites.
Ang registration ay gagawin onsite kung saan kukunan ng picture, fingerprints, at signature ang applicant.
Doon na rin ito magbabayad.
Ide-deliver naman ang Postal ID sa home address ng applicant.
Para mas marami ang makakuha ng Postal ID, mag-i-schedule ang ang PHLPost ng Postal ID mobile enrollment sa mga barangay, business companies, organizations and events.
Read: Meet Queenie Macatangay, magna cum laude and Top 1
WHERE TO USE POSTAL ID
Ang Postal ID ay isang “widely-accepted document” sa anumang postal transactions ng Universal Postal Union, isang specialized agency ng United Nations na binubuo ng 192 postal administration countries, kabilang ang PHLPost.
Tinatanggap din ito sa iba’t ibang transaksiyon sa gobyerno, gaya ng passport application, gayundin sa mga financial institutions.
Ang Postal ID ay may validity period na tatlong taon.
Ang mga pribadong kumpanya at pampublikong ahensiya ay maaaring makipagtuwang sa PHLPost para ma-access ang Postal ID Online Verification System, isang web portal na pinapayagan ang mga end users na makumpirma ang authenticity ng Postal ID ng kanilang mga kliyente.
Read: Family finds 84-year-old biscuit in grandmother’s freezer
HOW TO GET POSTAL ID?
Ang Postal ID ay nagkakahalaga ng PHP550.
Para makakuha, magpunta sa alinmang registration sites na nakatala sa website ng PHLPost.
Read: Policewoman captures her father’s killer after 25 years

Read: Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose
Siguraduhing dala ang original copies ng mga sumusunod na requirements:
DOCUMENTS NA KELANGANG DALHIN NG MGA LALAKI AT BABAENG SINGLE
- Birth certificate
- Barangay clearance (para sa kasalukuyang taon)
DOCUMENTS NA KELANGANG DALHIN NG MGA KASAL NA
- Birth Certificate
- Marriage contract
- Barangay Clearance (para sa kasalukuyang taon)
Tandaan na kinakailangan ang inyong personal appearance sa application para sa pagkakaroon ng Postal ID.
Tatagal ng 10 hanggang 15 days bago ito mai-deliver sa inyong home address.
Kung personal na kukunin, makukuha ito sa registration site kung saan kayo nagpatala mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
Read: Cute no more: Baby on store signboard takes creepy turn