PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why use headphones on public transport?

Yes, lalo kung malakas kang magpatunog ng smartphone.
by KC Cordero
Published Nov 8, 2024
Man with headphones
Kapag nasa public transport, maging considerate sa mga kapwa pasahero. Gumamit ng earphones. (Photo courtesy of Sony)

Sa panahon ngayon, ang smartphone ay karugtong na ng ating buhay at maituturing na bahagi na ng ating pamumuhay.

Kahit nga sa loob ng bus o tren o anumang sasakyan, makikitang nakayuko ang karamihan, at nakatingin sa smartphone.

Puwede na kasing manood dito ng paboritong series, movies, at videos; maglaro ng mobile games; makinig ng music—sa radio station man o streaming services.

Man using his smartphone
Essential part na ng ating pang-araw-araw na buhay ang smartphone. Photo: Pikwizard
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At sa ganitong sitwasyon, para tayong nasa sarili na nating mundo—walang pakialam sa paligid kesehodang nasa public transportation at nakakabulahaw sa ating mga katabi.

Dito pumapasok ang importansiya ng pagkakaroon ng headphones—o earphones—kapag gagamit ng smartphone sa public transportation.

Read: Australia to ban social media for children under 16

LOUD SMARTPHONE IRRITATES LIKE CIGARETTE SMOKE OR VAPE

Para kay Emmanuel Camara, isang psychology graduate na naging English teacher sa Vietnam at ngayon ay contributor sa isang local newspaper sa Calabarzon, ang panonood ng videos, pakikinig ng music, at paglalaro ng video games sa smartphone nang walang headphones kapag sakay ng public transportation ay maihahalintulad sa paninigarilyo o pagbi-vape sa kulumpon ng maraming tao.

Aniya, “Polusyon iyan sa tainga lalo na kung hindi mo gusto yung sound na naririnig mo mula sa smartphone ng iba.

“Yung pakiramdam mo na nakasinghot ka ng usok mula sa sigarilyo o vape lalo na kung hate mo ang ganitong amoy, ganun din ang feeling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maiirita ka sa sound na naririnig mo na ayaw ng iyong sistema.”

Lady listening to her headphones
Kung gustong manood o makinig sa smartphone, dapat gumamit ng headphones para hindi makairita sa mga kapwa pasahero. Photo: SCCRTC

Aniya, kawalan daw ng konsiderasyon ito sa pakiramdam ng ibang mga pasahero.

“Nag-iba na kasi ang ating paraan ng pakikipagkapwa-tao sa paglipas ng panahon. Nabago na ang ating values.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi na gaya ng dati na iniisip pa natin kung nakakaperhuwisyo tayo sa iba, ngayon ay hindi na.”

Read: LRT-1 Cavite extension Phase 1 operations to start this November

THE NOISY PARROT

Naoobserbahan mismo ni Emmanuel ang ganitong sitwasyon kapag sakay siya ng bus mula Quezon papuntang Metro Manila o vice versa.

“May nakatabi akong ale sa upuan. Sa hindi ko malamang dahilan, tuwang-tuwa siya pakikinig sa video ng lorong sumisigaw. Paulit-ulit niyang ipine-play yung video.”

Dahil nahihiya siyang sawayin ang ale, tiniis na lang ni Emmanuel ang ilang oras ng biyahe na umuukilkil sa tainga niya ang sound ng screaming parrot.

“Ang resulta, pagbaba ko ng bus ay may migraine na ako.

“Nag-attend ako nun ng seminar tungkol sa pagtatayo ng kooperatiba, wala akong naunawaan dahil sa sakit ng ulo ko.

“Parang nakatanim na sa isip ko yung sound na pinakikinggan ng ale.”

Aniya, kung may headphones ang ale, hindi sana siya nag-suffer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming naka-smartphone tayong nakakasakay, pero yung iba ay hindi naman pinalalakas ang volume o kaya ay gumagamit ng headphones, okey yun.

“Ang hindi okey, yung walang headphones, tapos ang lakas-lakas pa.”

Read: No one wants to run as mayor in this old town

THE NEIGHBORHOOD VIDEOKE

Binanggit ding halimbawa ni Emmanuel ang napakalakas na pagbi-videoke ng mga kapitbahay lalo na kung weekend.

“Walang humpay ang kantahan kahit pa mga sintunado mula umaga hanggang hapon.

“Yung mga nagbi-videoke, hindi nila naiisip na yung kapitbahay nila, baka gustong magpahinga at ma-relax ang isip at katawan sa limang araw na pagtatrabaho.

“Wala sa kanila yun dahil pansariling kasiyahan lang ang iniisip nila. Ganun din yung mga malalakas magpatunog ng smartphone nila sa public transportation nang hindi gumagamit ng headphones.”

Read: "Fart kontrol” signboard in Sweden goes viral

THE NOISE POLLUTION INSIDE JEEPNEY

Ibinahagi naman ni Daniel, isang information technology staff sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ang karanasan sa maingay magpatunog ng smartphone sa public transportation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Daniel, lagi niyang nakakasakay sa modern jeepney ang isang lalaki tuwing umaga kapag papasok na siya sa trabaho.

“Sumasakay pa lang siya malakas na agad ang sound ng smartphone niya. Hindi rin siya gumagamit ng headphones.”

Sa obserbasyon niya, nagmula ang lalaki sa isang probinsiya, at ang pinapanood nito ay videos ay gamit ang kanilang dialect.

“Bukod sa maingay, hindi mo pa nauunawaan kaya masakit sa tainga.

“Aminin na natin, kahit pa high-end na smartphone, hindi kagandahan ang tunog niyan lalo kung hindi ka interesado sa sound na naririnig mo. Nakakairita.”

Dagdag pa niya, “Kalimitan kasi sa mga modern jeepney, may sound system iyan, naka-tune in sa FM station.

“Yung nakakasakay ko, nakikipagpaligsahan pa sa lakas ng volume ng radyo ng jeepney kaya halu-halo ang tunog—na nakaka-bad trip lalo na kung siksikan.

“At hindi lang siya ang walang headphones na naka-volume up ang smartphone, ilan sila. Siya nga lang yung pinakamalakas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Two co-branded credit cards offer high rewards, cashbacks

Para aniyang tukso ng pagkakataon, lagi niyang nakakasakay ang lalaki.

“Hindi ko siya maiwasan kasi una akong sumasakay kaysa sa kanya.

“Minsan, hindi agad ako sumakay sa jeep na nasa pila para hindi ko siya makasakay.

"Kaso, pagdaan namin sa lugar niya, saka pa lang din siya nag-aabang.

“Nakakasira ng araw.”

Aminado si Daniel na gusto niya ng tahimik na biyahe lalo na pag umaga.

“Siyempre, nagmuni-muni ka. Gusto mong lumilipad ang isip mo, walang stress at chill lang.”

Dumating sa point na gusto na niyang komprontahin ang lalaki.

“Yung makita ko pa lang siyang pasakay, bad trip na ako. Tapos ako pa yung unang bumababa.”

Para masolusyunan ang kanyang problema, siya na ang nag-adjust.

“Ayoko talagang gumamit ng smartphone kapag nasa biyahe, pero napilitan akong bumili ng noise cancelling headphones.

“Every time na kasakay ko yung lalaki, ginagamit ko para hindi ko naririnig ang kanyang ingay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Meet Sokusekisai Oyama, “Japan’s Instant Noodle King”

INFO DRIVE ON USE OF SMARTPHONES IN PUBLIC TRANSPORT

Para kay Emmanuel, dapat may legislation na nagtatakda sa paggamit ng headphones sa smartphone kapag nasa public transportation.

“Siguro information drive muna. Sana may gumawa ng social media page na naka-dedicate sa tamang etiquette sa paggamit ng smartphone kung nasa pampublikong sasakyan.

“Kung makikita ito ng ibang hindi aware na nakakairita sila sa mga kapasahero, baka kahit paano ay makaapekto sa kanila.

“Yung mga sasakyan, dapat din na may sign na parang yung no smoking sign. Ipaalala sa mga pasahero na mag-headphone sa paggamit ng smartphone.”

Photo of headphones and earphones
Mag-invest sa headphones o smartphones para hindi makalikha ng ingay sa paggamit ng smartphone. Photo: Yamaha Music USA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, siguradong may magpo-post ng videos ng mga malakas magpatunog ng smartphone sa public transportation kaya mag-aalanganin na ang iba.

“Unless makapal lang talaga ang mukha o sadyang walang urbanidad at kurtesiya sa kapwa.”

Sabi pa ni Emmanuel, marami namang headphones na affordable. Ang ibang smartphone ay may kasama rin kapag binili.

“Why not invest? Para solo mo ang enjoyment mo sa anumang pinapanood, pinakikinggan, at nilalaro mo. Hindi ka pa nakakaperhuwisyo ng kapwa mo pasahero.”

Read: Why do we hate how we look in photos?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapag nasa public transport, maging considerate sa mga kapwa pasahero. Gumamit ng earphones. (Photo courtesy of Sony)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results