Kung nagbabalak kang pumunta ng Japan early next year to attend the Snow Festival in Hokkaido, then you’re in for a pleasant surprise.
Simula ngayong January 2025, magkakaroon na ng direct flight between Manila and Sapporo ang local carrier na Cebu Pacific.
Magsisimula ang Manila-Sapporo flight operation pagsapit ng January 16, 2024. Gagawin ang flights sa pagitan ng dalawang destination points tatlong beses sa isang linggo: Tuesday, Thursday, at Saturday.
Ang Sapporo ay capital city ng Hokkaido, na nasa northernmost part at binansagang winter capital ng Japan.
Tanyag naman ang Sapporo dahil sa taunang Snow Festival nito na ginaganap sa unang linggo ng February at nagtatagal ng isang linggo.

Read: French guy falls in love with Siargao; builds a bamboo house
CEBU PACIFIC, FIRST CARRIER TO OFFER FLIGHT BETWEEN MANILA, SAPPORO
Magandang balita ito para sa mga Pinoy na nagbabalak magpunta sa Japan na isa sa top destinations ng mga turista.
At dahil sa direct flight na ito, mababawasan ang tagal ng biyahe ng mga Pinoy papuntang Japan.
Mula sa karaniwang 10 hours na biyahe dahil sa layovers, magiging limang oras na lamang ang travel time.
Ang Cebu Pacific din ang kauna-unahang Filipino carrier na may direct flight sa pagitan ng Manila at Sapporo.

Read: Japanese man with 4 'wives,' 2 girlfriends wants to have 54 kids
“We are thrilled to be the only carrier to offer non-stop flights between Manila and Sapporo,” ayon kay Xander Lao, Cebu Pacific Air president and chief commercial officer.
“The launch of this route is a testament to Cebu Pacific’s mission of expanding its international network and making air travel accessible to a wider range of passengers.
“We are excited to offer more Filipinos the opportunity to experience the winter charm of Sapporo.”
Ngayon pa lang ay nagbubunyi na ang ilang Filipino travelers sa magandang balitang ito, at tiyak na nagsisimula na rin silang magplano para sa kanilang susunod na biyahe sa Japan.
