Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) noong November 5, 2024, ang bagong postal ID na isang functional card.
Isinagawa ang okasyon sa Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio.
Ayon kay PHLPost Postmaster General and Chief Executive Officer Luis Carlos, ang bagong postal ID ay nagkakaloob ng address verification para sa customers.
Read: What you need to know about getting postal ID

Read: Cebu Pacific to start Manila-Sapporo, Japan flights starting 2025
Aniya sa ginanap na media conference, "If you notice, a lot of IDs do not confirm the address of a person.
“That's the first function of this ID, the KYC [Know Your Customer]."
Dagdag pa niya, ang PHLPost ay may halos 150 partner merchants sa buong bansa sa nakalipas na limang taon na nagkakaloob ng discounts and freebies sa postal ID holders.
Inaasahan ng ahensiya na mas marami pang merchants ang makikipag-partner dito.
Read: LRT-1 Cavite extension Phase 1 operations to start this November
POSTAL ID POSIBLENG MAGAMIT BILANG DIGITAL BANK
Pinag-aaralan din ng PHLPost kung paano magpa-function ang postal ID bilang digital bank.
Sinabi ni Carlos na sakaling maisakatuparang maging digital bank ang postal ID, malaki ang maitutulong nito sa halos kalahati ng populasyon ng bansa ang walang bank account.
Aniya, "About the financial functionality, we are really looking at that one, to really to answer the Bangko Sentral's issue of the unbanked.”
Plano rin ng PHLPost na mapalawak ang paggamit sa postal ID para sa cashless transactions
“It’s not just an ID, it can be somewhat like GCash, where it can be used for cashless transactions. For convenience, in the future,” ayon naman kay PHLPost Chair Stephen Cruz.
Read: Two co-branded credit cards launched, offering high rewards, cashbacks
IBA’T IBANG FEATURES AND FUNCTIONS NG BAGONG POSTAL ID
Ang functional postal ID ay nagtataglay ng pangalan ng owner, address, birthdate and signature.
Ani Carlos, "A lot of foundational IDs don't have that function.
“So, alam natin yung tao, alam din yung address.”
Plano rin ng PHLPost board na lagyan ito ng seven-character ZIP code para mapalitan ang kasalukuyang four-digit ZIP codes na ginagamit sa Pilipinas.
Ang unang dalawang letra ng code ay tumutugon sa probinsiya, kasunod ng mga numero para sa lungsod o munisipalidad, habang ang last three digits ang tutukoy sa barangay.
Ang proseso ng pagpapalit ng ZIP codes ay sinisimulan na sa Congress.
Read: PhilHealth eliminates single period of confinement policy
Wala namang age limit o iba pang restrictions sa pagkuha ng Postal ID.
May naka-print ding Quick Response (QR) code sa ID para sa beripikasyon ng pagiging authentic nito.
Read: Why do we hate how we look in photos?
WHERE TO USE POSTAL ID
Bukod sa pagiging valid para sa Philippine government transactions, ang postal ID ay isang “widely-accepted document” maging sa ibang bansa sa tulong ng Universal Postal Union, isang ahensiya ng United Nations na may 192 member states.
Tinatanggap din ito sa iba’t ibang transaksiyon sa gobyerno, gaya ng passport application, gayundin sa mga financial institutions.
Ang postal ID ay may validity period na tatlong taon.
Ang mga pribadong kumpanya at pampublikong ahensiya ay maaaring makipagtuwang sa PHLPost para ma-access ang Postal ID Online Verification System, isang web portal na pinapayagan ang mga end users na makumpirma ang authenticity ng postal ID ng kanilang mga kliyente.
Read: Family finds 84-year-old biscuit in grandmother’s freezer
HOW TO GET POSTAL ID?
Ang postal ID ay nagkakahalaga ng PHP550.
Para makakuha, magpunta sa alinmang registration sites na nakatala sa website ng PHLPost.
Read: Policewoman captures her father’s killer after 25 years

Read: Boy complains of bad smell for 2 years; had screw stuck in nose
Siguraduhing dala ang original copies ng mga sumusunod na requirements:
DOCUMENTS NA KAILANGANG DALHIN NG MGA LALAKI AT BABAENG SINGLE
- Birth certificate
- Barangay clearance (para sa kasalukuyang taon)
DOCUMENTS NA KAILANGANG DALHIN NG MGA KASAL NA
- Birth Certificate
- Marriage contract
- Barangay Clearance (para sa kasalukuyang taon)
Tandaan na kinakailangan ang inyong personal appearance sa application para sa pagkakaroon ng postal ID.
Tatagal ng 10 hanggang 15 days bago ito mai-deliver sa inyong home address.
Kung personal na kukunin, makukuha ito sa registration site kung saan kayo nagpatala mula alas diyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon.
