Isang pambihirang tanawin ang nasaksihan sa Camarines Norte dahil sa pulang kalangitan pagsikat ng araw.
Subalit hindi ito ikinamangha ng netizens, bagkus nangamba sila dahil hudyat daw ito ng paparating na sakuna batay sa pamahiin ng mga nakatatanda.
Pero may bahid ba ng katotohanan ang ganitong paniniwala?
Ang sagot, sa maniwala man kayo o hindi, ay oo.
RED SKY IN THE MORNING
Nakunan ang pulang kalangitan sa Daet, Camarines Norte, noong November 11, 2024.
Ang mga kuhang ito ni Gloria Cabate ay ipinost sa Facebook page na Camarines Norte FB.
Sa mga naturang kuha, kitang-kita na tila pinintahan ng pula ang kalangitan at nagmukhang nadudungisan ng itim na ulap.
Kuha ang larawan sa bukang liwayway o dawn, at makikitang bukas pa ilaw sa kalsada.
Saad sa post: “Ang mapulang liwanag sa kalangitan ay nagbigay ng kakaibang tanawin sa bayan, na agad namang pinag-usapan at kinuhanan ng mga litrato ng mga residente.
“Ayon sa ilang eksperto, ang ganitong phenomenon ay maaaring dulot ng mga partikular na kondisyon ng panahon, gaya ng moisture at dust particles sa hangin, na nagpapalutang sa kulay-pula ng pagsikat ng araw.”

Mayroon nang 23,000 engagement ang post at this writing. Higit 4,000 ang comments ng netizens.
Pero kapansin-pansin na karamihan sa komento ng netizens ay tungkol sa pangamba at pag-aalala dahil sa kaganapang ito.
Read: This tiny house in Siargao withstood a super typhoon in 2021
NETIZENS FEAR THE RED SKY
Marami ang nagkomento at nagpahayag na hindi raw ito magandang senyales.
(Note: All comments are published as is.)
Sabi ng isang netizen: “Sign Po Yan na may malakas na bagyong paparating..Sabi ng mga matatanda noon,Yan ang palatandaan nila pag may masamang panahon na paparating."

Susog ng isa pang netizen: “In 1960s sabi ng LOLO KO..pag ganyan daw malapit na magunaw ang mundo..sa kasamaang palad nauna syang nagunaw pero hanggan ngayon ang mundo ito parin..”

Batay raw sa karanasan ng isang netizen ay signus daw ang pulang kalangitan.
Komento nito: “Sabi Ng Lola ko. Masamang pangitain yan.may mag bubuwis Ng buhay..ingat Po at ibayung panalangin po.bata pa ako ng makakita ako ng ganyan..tapos bumagyo Ng Rosing subrang daming namatay..”

Pagsang-ayon ng isa pa: “Sign Po Yan na may malakas na bagyong paparating..Sabi ng mga matatanda noon,Yan ang palatandaan nila pag may masamang panahon na paparating.”

May iba namang nagkomento ukol sa relihiyon at nagbanggit pa ng verses mula sa Bibliya.
May mga komento ring mas praktikal at pinagbatayan ang scientific explanation.
Ano ba ang nagdudulot ng pulang kalangitan?
RED SKY IN THE MORNING, RED SKY AT NIGHT
Ayon sa Library of Congress, isang site ukol sa meteorology at climatology, may katotohanan ang kasabihan sa Ingles na, “Red sky at night, sailor’s delight. Red sky in morning, sailor’s warning.”
Interestingly, tinalakay rin ito sa isang obra ng English playwright and poet na si William Shakespeare.
S Venus and Adonis, mababasa ang ganito: “Like a red morn that ever yet betokened, Wreck to the seaman, tempest to the field, Sorrow to the shepherds, woe unto the birds, Gusts and foul flaws to herdmen and to herds.”
In short, ang nilalaman ng phrase na ito ay babala ang red sky kapag nangyari sa umaga.
Binanggit din daw ito ni Hesus sa Bibliya.
Ayon sa Matthew 16:2-3, sabi ni Hesus, “When it is evening, you say, 'It will be fair weather, for the sky is red.' And in the morning, 'It will be stormy today, for the sky is red and threatening.'”
Saad pa sa artikulo, ang itsura ng kalangitan at ang ihip ng hangin “may have a scientific basis and likely can predict the weather.”
Paliwanag dito, ang kulay ng kalangitan ay dahil sa ray of sunlight na nahahati “into colors of the spectrum” kapag tumama sa atmosphere at humalo sa water vapor at particles.
Kung gaano kadami ang water vapor at dust particles sa atmosphere ay magandang indicator kung ano ang magiging lagay ng panahon.
At ang dalawang ito, water vapor at dust particles, ang magdidikta kung ano ang magiging kulay ng kalangitan.
Pagsapit ng umaga, ang red sky ay indicator na “an atmosphere leaded with dust and moisture particles,” saad sa article.
Nangangahulugan daw ito na susunod ang masamang panahon.
Sa kabilang banda, “A red sunrise can mean that a high-pressure system (good weather) has already passed, thus indicating that a storm system (low pressure) may be moving to the east.
“A morning sky that is a deep, fiery red can indicate that there is high water content in the atmosphere. So, rain could be on its way.”
Ayon pa sa artikulo, “We see the red, because red wavelengths (the longest in the color spectrum) are breaking through the atmosphere. The shorter wavelengths, such as blue, are scattered and broken up.”
Kabaliktaran naman daw kung pula ang kalangitan pagsapit ng hapon.
“When we see a red sky at night, this means that the setting sun is sending its light through a high concentration of dust particles.
“This usually indicates high pressure and stable air coming in from the west. Basically good weather will follow.”
