PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DOH warns against food poisoning this holiday season

Plus, how to tell if food is already spoiled.
by Bernie V. Franco
Published Dec 27, 2024
food
The Department of Health advises the public to avoid consuming spoiled leftovers. The agency also reiterates its earlier reminder to limit the intake of foods that "maalat, matamis, at mataba."
PHOTO/S: Canva

Maigting ang paalala ng Department of Health (DOH) pagdating sa pagkain ngayong panahon ng holiday season.

Hayag ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo sa interview ng Teleradyo Serbisyo, December 26, 2024, “Panahon ngayon ng umuulit na ulam galing sa tira.

"Very important umiwas po tayo sa food poisoning.”

Tiyakin daw na hindi pa panis ang tirang ulam. At kung hindi na puwede, huwag daw panghinayangang itapon.

“Check po natin ang ating ulam. Ang pinaka-reliable na test, na scientific din naman yung basis, yung amoy…” paliwanag ni Domingo.

“Kung kakaiba na po yung amoy niya… hindi na siya amoy buko salad, medyo maasim na yung amoy niya, huwag na ho siyang piliting kainin dahil po iyan ay napanis na.

“Ganun din po yung mga ibang pagkain na pag napansin na meron nang kakaiba sa kulay, sa amoy, wag na po nating sabihing, ‘Ay, sayang. Kaya pa iyan.’ Hindi po.”

Nais ipunto ng assistant secretary na sa mga ganitong pagkakataon, dapat nasa lugar ang pagiging praktikal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya, “Yung iniisip niyo pong pagtitipid, baka mapunta pa ho sa food poisoning, mas mahal po maospital kesa yung magluto na lang ng bago para hindi tayo ma-food poisoning.”

fruit salad
Department of Health warns people against food poisoning this holiday season.
Photo/s: Canva

Read: Marian Rivera reveals go-to Christmas dishes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

REMINDER FOR THE UPCOMING NEW YEAR celebration

Kasunod ng paalalang ito, muling binanggit ni Domingo ang kanyang naunang reminder ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Hindi pa tapos ang handaan at paparating pa ang Media Noche sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Diin niya, huwag kalimutan ang pag-iwas sa mga pagkaing sobrang maalat, matamis, at mataba.

Sabi niya, “Yun pong pagkain ng sobrang maalat, matamis, at mataba o mamantika, iwasan po muna natin, bawas-bawasan...

“Ang ating pinggang Pinoy, yung kalahati dapat prutas at gulay; one-fourth lang ang ating carbohydrates, kanin, saka pansit, saka pasta; one-fourth lang din ang ating mga matataba o mataas sa protina na pagkain.”

Huwag din daw kalimutang mag-ehersisyo. Dapat umiwas sa sobrang pagkain at pag-inom ng alcohol.

Read: Finally, a brand for authentic halal food and beverages!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Health advises the public to avoid consuming spoiled leftovers. The agency also reiterates its earlier reminder to limit the intake of foods that "maalat, matamis, at mataba."
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results