PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Traslacion 2025: No climbing on statue base of Black Nazarene

Plus other dos and don'ts.
by Bernie V. Franco
Published Jan 8, 2025
Poong Nazareno Translacion
This year will be different for devotees joining the Traslacion for the Feast of the Black Nazarene. Climbing the statue base to touch the religious figure is no longer allowed.
PHOTO/S: Black Nazarene - Quiapo Church on Facebook

Isang malaking pagbabago ang ipapatupad sa gaganaping Traslacion para sa Pista ng Black Nazarene na magaganap ngayong Huwebes, January 9, 2025.

Ipagbabawal na sa mga deboto ang pag-akyat sa andas o statue base kunsaan isasakay ang imahen ng Black Nazarene.

Ang nakasanayan kasi sa taunang prusisyon, umaakyat ang mga deboto sa andas para ipahid ang kanilang bimpo at panyo sa imahen.

Pero napagdesisyunan ng management ng Quiapo Church na huwag na itong pahintulutan.

Inatasan ang Hijos del Nazareno (HDN) na ipatupad ang direktibang ito.

Dati, ang mga HDN members pa ang tumutulong bumuhat ng mga deboto na nagnanais makalapit sa imahen.

Pero bawal na ito ngayong 2025.

Sila ang pipigil sa mga magtatangkang umakyat.

Read: Practical tips to be financially capable this 2025

TRASLACION 2025: PAGPAPATUPAD NG NEW RULE

Hindi kaila sa marami na dahil sa dami ng mga tao, hindi maiwasan ang pisikalan habang nagaganap ang prusisyon.

Ang motibo ng bagong direktiba ay para mas maging maayos at mataimtim ang traslacion at maiwasan ang sakitan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Alex Irasga, Nazareno 2025 feast adviser, sa ulat ng TV Patrol nitong June 7, 2025.

“Hindi na ho kagaya ng dati natural hong pumapayag ang mga hijos na tuntungan sa ibaba yung kanila ba hong mga balikat at ulo.

“Talaga hong ginagapangan iyan.

"Pero this time, ilalaglag ho sila ng mga hijos para wag makaakyat.”

Pero itutuloy pa rin daw ng mga hijos ang nakagawiang pagtanggap ng mga bimpo at panyo. Sila ang magpapahid sa imahen at krus.

Ini-expect ng HDN na may mga debotong susuway pa rin.

Ayon naman kay John Evereth Villalon ng Hijos del Nazareno-Central, “Marami na pong sumusunod, marami namang hindi.

“Siyempre, intindihin na lang po natin, baka may mas malalim na pinagdadaanan, pinaghuhugutan.

“Kumbaga, makikipag-usap kayo. Gamitan niyo ng diplomasya pa rin…”

TRASLACION 2025: BAGONG DISENYO NG ANDAS

Para masigurong maipatutupad ang bagong rule, binago na ang disenyo ng andas.

Meron itong glass enclosure at tinanggal din ang lagayan ng bulaklak at ilaw na tinatapakan ng mga debotong umaakyat noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pa-slide na ang harap nito at palilibutan ng mga hijos.

Ang inaalala ni Irasga ay ang posibilidad na umakyat ang mga deboto mula sa likod ng andas.

Aniya, “Kaya ho nilang akyatin ang ating krus. Meron po silang nahahawakan don, so nakakapaglambitin ho yung iba don.”

Read: Architect shares views on feng shui and house design

TRASLACION 2025: RUTA AT SEGURIDAD

Samantala, hindi babaguhin ang nakagawiang ruta ng prusisyon.

Bago sumikat ang araw, magsisimula ito sa Quirino Grandstand patungong simbahan.

Ipinag-utos na rin ang heightened alert ng kapulisan kunsaan 12,000 tauhan ang ide-deploy.

Itinalaga rin ang may 2,000 tauhan ng Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, at Bureau of Fire.

Mayroon 20,000 members ng health emergency response teams din sa mga referral hospitals.

At magse-set up ng first aid stations and emergency field hospitals ang Red Cross.

ADDITIONAL DOS AND DON’TS

Inisa-isa rin sa TV Patrol report ang mga karagdagang paalala sa mga debotong sasali sa prusisyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
  • Bawal ang pagsusuot ng sombrero, payong, at hoodie. Inirerekomenda ang pagsusuot ng transparent na kapote sakaling umulan.
  • Bawal ang pagse-set up ng camping tents para sa mga nagbabalak mag-overnight.
  • Bawal din ang pagdadala ng professional cameras at selfie sticks.
  • Bawal ang pagdadala ng tumblers. Iminumungkahi ang paggamit ng transparent water bottles.
  • Pinapaalala na huwag magkalat at nakikiusap na dalhin o itapon ang basura sa tamang lagayan.
  • Iwasan ang pagbibitbit ng bag kung papasok sa simbahan dahil posibleng humaba ang pila dahil idadaan sa baggage scanner ang mga bags.

At press time, wala pang abiso ukol sa pag-turn off ng phone at signal, pero may posibilidad na idagdag ito sa mga reminders, tulad ng nangyari noong mga nakaraang traslacion.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This year will be different for devotees joining the Traslacion for the Feast of the Black Nazarene. Climbing the statue base to touch the religious figure is no longer allowed.
PHOTO/S: Black Nazarene - Quiapo Church on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results