Ang expansion ng benefit packages ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ay mula sa pondong galing din sa mga Pilipino.
Nitong pagpasok ng Bagong Taon, nag-announce ang PhilHealth na itataas ng hanggang 50 percent ang 9,000 benefit packages ngayong 2025.
Ayon kay Dr. Israel Francis Pargas, senior vice president health finance, lahat ay miyembro ng PhilHealth at maaaring makinabang sa benefits.
Dagdag ni Renato Limsiaco Jr., senior vice president for fund management, nasa PHP271 billion ang budget na inilaan sa mas pinalaki at pinalawak na benefit packages
Ani Limsiaco sa ulat ng GMA News, "The source of that, of course, are direct contributions because we do not have indirect contributions."
Ang direct contributors—indibidwal man o kumpanya—ay ang mga may kapasidad na magbayad ng premium.
Ang mga indirect contributors naman ay hindi nakapagbabayad, pero covered din sila ng PhilHealth. Sila ang mga "indigents” na tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na 4Ps beneficiaries, persons with disabilities, senior citizens, at iba pa.
Ang 4Ps ay ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program na conditional cash transfer program para sa mga mahihirap na kababayan.
Read: Struggling to save? Avoid these 3 mistakes
INCREASE IN PHILHEALTH CONTRIBUTION IN THE PAST FIVE YEARS
Sa circular na inilabas ng PhilHealth, lumalabas na mula 2019 hanggang 2025, halos doble ang itinaas ng premium ng direct contributors.
Halos taun-taon ay 0.50% ang itinaas ng PhilHealth contribution.
Mula kasi sa 2.75% premium rate PhilHealth contribution noong 2019 ay umakyat ito sa 5% noong 2024 hanggang ngayong 2025.
Nitong October 2019 ilabas ang PhilHealth Circular No. 2019-0009 na naglalaman ng premium contribution schedule at table sa ilalim ng National Health Insurance Program (NHIP).
Pirmado ito ni former PhilHealth chief executive officer Ricardo Morales, at makikita ang dokumento sa PhilHealth website.
Alinsunod ito sa Republic Act No. 11223 o ang “Universal Health Care act.
Kung titingnan ang table chart, nagkaroon ng 0.25% increase rate sa kontribusyon noong 2020 mula 2019.
At mula 2020 hanggang 2024, tumaas ng 0.50% taun-taon ang contribution,
At mula 2024 hanggang ngayong 2025, nananatili naman ang contribution rate.
Naka-indicate din sa table ang computation ng premium ng direct contributors depende sa buwanang sahod nila.
Bilang halimbawa, ang empleyadong may PHP10,000 monthly salary ay may PhilHealth contribution na PHP275 kada buwan noong 2019 at PHP500 na ngayong 2025.
Halos kalahati ang itinaas ng hulog sa PhilHealth ng direct contributors sa nakalipas na limang taon.

Nakasaad sa circular ang polisiya ng gobyerno kaugnay ng state insurer ng bansa: “to adopt an integrated and comprehensive approach to health development which shall endeavor to make essential goods, health, and other social services available to all the people at affordable cost and to provide free medical care to paupers.”
Binanggit din sa circular ang NHIP na may layong magbigay ng health insurance coverage na “affordable, acceptable and accessible health care services” para sa lahat ng Pilipino.
Isang programa ito na nagsisilbing “means” para sa mga may kakayanan “to help pay for the care of the sick and for those who can afford medical care to subsidize those who cannot.” Nakasaad ito sa Section 5, Article III ng R.A. No. 7875.
Pagdating naman sa PhilHealth contribution ng mga empleyado, sagot ng employer ang kalahati sa premium.
Buo namang binabayaran ng self-employed ang monthly contribution niya sa PhilHealth.
Read: Practical tips to be financially capable this 2025
DEFINITON OF TERMS
May definition of terms din ang circular.
Direct Contributors- tumutukoy sa mga may kapasidad na magbayad ng premium, mga may trabaho at tali sa employer-employee relationship, o kaya ay ang self-earning, professional practitioners, overseas Filipino workers, kasama ang kanilang qualified dependents, at ang lifetime members.
Indirect Contributors – kasama rito ang iba pang hindi kasama sa direct contributors, pati na rin ang kanilang qualified dependents, “whose premium are subsidized by the national government including those who are subsidized as a result of special laws.”
Member – lahat ng Pilipino ay miyembro alinsunod sa 1987 Philippine Constitution.
Professional Practitioners- pasok dito ang lahat ng mga practitioners na required na makapasa sa government licensure exams para i-practice ang kanilang propesyon. Kasama sa “professionals” ang mga "artists, athletes and others similarly situated.”
Self-Earning Individuals – sakop nito ang mga nagtitinda o nag-aalok ng services bilang kabuhayan na hindi sakop ng employer-employee relationship o kaya ay mga negosyong ang may-ari ay may mga tauhang hindi lalampas sa 10 katao na seasonal ang pagpapatrabaho o project-based.
Sinabi naman ni Limsiaco sa PhilHealth stakeholders’ meeting noong nakaraang linggo na inaasahang makakalikom ang PhilHealth ng PHP200 billion mula sa direct contributors ngayong 2025.
ENOUGH BUDGET FOR INCREASE PACKAGES
Naging mainit na usapin nang hindi ibigay ang PHP74 billion national government subsidy out of the PHP6.325-trillion national budget ngayong 2025.
Ani Limsiaco sa stakeholders meeting, ang PhilHealth ay may PHP144-billion surplus budget at total reserve na PHP281 billion.
"So it can be tapped as a source of funding for additional benefits if needed."
Paniniyak ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma Jr., sapat daw ito para pondohan ang mas mataas na benefit package.
Nag-take effect ang 50% benefit package pagsapit ng January 1, 2025.
Halimbawa, ang low-risk pneumonia na dating may PHP19,500 medical benefit ay PHP29,250 na ngayon.
Ang kidney transplant na dating may PHP600,000 benefit ay aabot na ng PHP800,000 hanggang PHP2 million.
Ang angioplasty na may PHP30,000 benefit package dati ay nasa PHP530,000 na ngayon.
Isinama na rin sa mga mabibigyan ng benepisyo ang outpatients o yung mga magpapaospital, pero hindi na kailangang ma-confine.
Mayroon ding dental services, tulad ng cleaning, examination, oral prophylaxis, fluoride application, emergency tooth extraction, at application of sealants.
Ang mga serbisyong ito ay maa-avail sa mga PhilHealth-accredited dental clinics at ng mga registered members ng Konsulta, ang comprehensive outpatient benefits program ng ahensiya.
I-click ito para sa dagdag na impormasyon tungkol sa Philhealth benefits.
I-click ito para naman sa listahan ng Accredited Konsulta Package providers.
