May magandang job opportunities at benefits na naghihintay para sa mga Filipino workers na makakapagtrabaho sa Finland.
Bukod kasi sa higit PHP90,000 o pataas na monthly salary, maaari pang bitbitin ang pamilya.
Posibleng makapagtrabaho pa ang kabiyak at makapag-aral sa European country ang kanilang mga anak.
Ilan lamang ito sa mga planong nakasaad sa nilagdaang joint declaration of intent (JDI) ng Pilipinas at Finland para sa taong 2025.
Nangyari ang JDI signing ceremony sa Department of Migrant Workers (DMW) office sa Mandaluyong noong January 16, 2025.
Ang mga lumagda sa JDI ay sina DMW Secretary Hans Leo Cacdac at Finland Minister Arto Olavi Sartonen. Dinaluhan ang event ng media.
Binanggit ng DMW na noong 2023, mayroong 12,770 Pilipino na nakatira at nagtrabaho sa Finland.
Nabanggit naman sa mga reports na daan-daang Filipino skilled workers ang maaaring makapagtrabaho sa Finland kasunod ng JDI.
Read: Bangko Sentral pushes for financial literacy among Filipino teens
BENEFITS FOR PINOY SKILLED WORKERS
Ilan sa mga nakasaad sa bilateral labor agreement ay ang garantiya na may “fair, ethical, and sustainable working conditions” ang mga skilled Filipino workers sa Finland.
Sinabi ni Sartonen na tumataas ang demand ng Finland para sa foreign skilled workers dahil sa aging population sa bansa.
Bukod sa Pilipinas, kumukuha rin sila ng skilled workers mula sa Vietnam, India, at Bazil.
Sa GMA Integrated News report, binigyang diin dito ang mga benepisyong naghihintay sa mga Pinoy na makakapagtrabaho sa Finland.
May polisiya ang Finland na dapat ay patas ang treatment na ibinibigay sa immigrant workers.
Ang buwanang sahod ng mga workers doon ay minimum na 1,600 euros (PHP97,000) at ang average ay 3,500 euros (PHP213,000) kada buwan.
Ang sahod ay nakadepende sa trabaho at industry.

Ang skilled workers naman na hinahanap ay mga hotel, tourism, and restaurant staff, IT o Information Technology professionals, at healthcare personnel, tulad ng nurses at caregivers.
Malaki ang demand sa healthcare workers kaya titiyaking maayos ang lahat ng papeles, tulad ng license, visas, at contracts bago pa man sila lumipad sa Finland.
Habang nagtatrabaho roon ang isang immigrant worker, papayagan siyang dalhin doon ang kanyang spouse at mga anak kung sasapat ang kinikita.
Hahanapan din ng gobyerno ng Finland ng trabaho ang spouse ng immigrant worker at papayagang makapag-aral doon ang mga anak nila.
Pahayag ni Sartonen sa JDI signing, “In Finland, it’s important for those workers who would like to come with their families.
“It’s also possible and we try to help to find work for the spouses as well, and they can get also children to Finland, and to school, if they like it that way.”
Read: Here are tips to help you save and become debt-free in 2025
May plano rin ang Finland na magsagawa ng upskilling para sa mga OFWs kapag employed na sila sa Finland.
Sabi ni DMW Secretary Cacdac, “As one can come in, let’s say a caregiver or nurse assistant and be upgraded from there in Finland.
“So, this is something that is also suited to our healthcare demand here on our very own country.”
Mahigpit naman ang paalala ng DMW sa mga nagbabalak magtrabaho abroad na huwag kakagat sa mga trabahong inaalok sa social media para maiwasang mabiktima ng illegal recruiters.
Kailangang sumangguni muna sa DMW para malaman kung legit o scam ang job offer.
Para sa karagdagang detalye at contact details, maaaring bumisita sa kanilang website na www.dmw.gov.ph
