Opisyal nang inilunsad ng DigiPlus Interactive at ng social development arm nito na BingoPlus Foundation ang Pusta de Peligro Responsible Gaming campaign.
Ginanap ito noong January 23, 2025 sa Gateway Cinema, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Nagkaroon ng premiere ang tatlong short films na nagbibigay-diin sa patuloy na commitment ng DigiPlus sa responsible gaming.
Read: CHECK THIS OUT: Puchicalator, world’s shortest escalator

Read: Filipino student’s invention, finalist in T.H.E. Awards Asia 2025
Adbokasiya rin ng DigiPlus ang prevention, education, and intervention para matiyak na ang gaming ay nanatiling ligtas at fun na platform ng entertainment.
Ang Pusta de Peligro ay na-coin mula sa pariralang “petsa de peligro” ng mga Pinoy na tumutukoy kapag kapos na ang hawak na budget pero malayo pa ang suweldo.
Sa aspetong ito naman ng gaming, kapos na sa pantaya ang player kaya pusta de peligro na ang kanyang paglalaro.
Read: Singapore opens ASEAN scholarship for Filipino students
GAMING DAPAT NA FUN-FUN LANG
Ang mensahe ng tatlong short films ay nakadisenyo para ipaalala sa publiko ang self-reflection at magkaroon ng mindful gaming choices.
Sa unang video ay ipinakita ang kuwento ng isang babae na nahihirapang magdesisyon kung bibiyakin na ang kanyang piggy bank para tumaya sa isang game, o iingatan na lang ang pera.
Ang ikalawang video ay tungkol naman sa isang lalaking naipit sa mabigat na desisyon—kung ibibili ba niya ng pananghalian ang kanyang pera dahil gutom na gutom na siya, o itataya na lang niya iyon sa isang game.
Sa ikatlong video ay isinalarawan ang paghihirap ng isang babae na sira-sira na ang suot na sapatos.
Iniisip niya kung mag-aalatsamba ba siya sa pagtaya sa game, o bibili ng sapatos na kailangang-kailangan na niya.
Read: Bicol cop responsible for nabbing notorious criminals promoted

Read: Mother dog brings unconscious sick pup to vet clinic
Sa pamamagitan ng tatlong relatable, real-life scenarios, hinahamon ng Pusta de Peligro ang viewers na alamin ang mga pagkakataon kung kailan sa halip na maging masaya o fun-fun ang pagtaya, nagiging risk na lang ito.
Hinihikayat din ang publiko na laging alalahanin ang panawagan ng campaign na: “Pag Pusta de Peligro na, pause na muna, dahil ang gaming, dapat fun-fun lang!”
Read: Iloilo City taxi driver returns backpack with PHP2.4M cash
SELF-EXCLUSION FEATURES PARA MAY KONTROL ANG PLAYER SA KANYANG GAMING HABITS
Itinataas ng DigiPlus ang mga pamantayan pagdating sa responsible gaming sa pamamagitan ng paglalagay ng self-exclusion features sa mga platforms nito.
Sa pamamagitan ng self-exclusion features, nagkakaroon ang mga players ng tools para magkaroon sila ng kontrol sa kanilang gaming habits.
Kabilang dito ang options na nagtatakda ng daily gaming durations, nag-ku-customize ng specific gaming schedules, at nagtatapos sa limit kung magkano lang ang ilalaan sa paglalaro.
Halimbawa, ang isang player ay may sadyang oras lang para maglaro—kung tuwing hapon lang ba o lunch breaks.
Read: Cebu Pacific now offers direct flights to Sapporo, Japan
Maglaan din lang ng halaga na kaya niyang ipatalo sakaling hindi siya suwerte sa paglalaro.
Sa ganitong paraan, makatitiyak ang player na hindi niya iniri-risk kung magkano ang posibleng matalo sa kanya.
Ang mga self-defined tools na ito ay nagpapakita ng proactive commitment ng DigiPlus sa kapakanan ng player.
Naka-align din ito sa global standards para sa responsible gaming.
Read: Young woman plays bride in prank wedding; finds out it's for real

Read: NFA to sell rice to Metro Manila LGUs at low price by February
Sa pamamagitan ng pag-i-integrate ng self-exclusion features sa platforms nito, binibigyan ng DigiPlus ng kapangyarihan ang player na ma-enjoy ang gaming nang ligtas, walang stress, at wala ring hatid na bigat sa kanyang pinansyal na kakayahan.
Ayon kay DigiPlus chairman na si Eusebio Tanco, “We hope this campaign will spark a national conversation about responsible gaming.
“We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment.
“The Pusta de Peligro campaign is a crucial step toward that vision.”
Read: Retiree turns hunting for extinct apple varieties into hobby
EDUCATION, EARLY INTERVENTION, AND EXPERT COLLABORATION TO PROMOTE RESPONSIBLE GAMING CULTURE
Sa launching ng Pusta de Peligro ay nagkaroon din ng talakayan tampok ang mental health professional na si featuring Teresita Castillo ng International Gambling Counselors Certification Board, at ang financial coach na si Armand Bengco.
Para sa dalawang experts, mahalaga ang edukasyon, early intervention, at expert collaboration sa pagpapalaganap ng safe and responsible gaming culture.
May mga inisyatiba rin ang DigiPlus at ang BingoPlus Foundation gaya ng Tamang Laro, Tamang Panalo webinar series at maging financial coaching programs para maalagaan ng mga nagwawagi ng jackpot prizes kung paano maaalagaan ang kanilang panalo.
Read: UP Open University offers free 44 online courses
Agresibo rin ang kampanya para sa responsible gaming sa pamamagitan ng community workshops and live events para matiyak na mas maraming players ang ma-e-empower at makahagawa ng balanse at mas pinag-isipang desisyon.
Ayon pa kay Tanco, “We’re just getting started.
“Responsible gaming is the foundation of a sustainable gaming industry.
“With Pusta de Peligro, we’re proving that advocacy and innovation can go hand in hand to create a safer, more enjoyable gaming environment for all.”
Read: Landlord removes doors, windows after tenant fails to pay rent
