Nakagawa ka na ba ng virtual Pag-IBIG Fund account gamit ang iyong Pag-IBIG Loyalty Card Plus?
Mas mabilis kasi ang pag-avail ng services thru online transactions.
Puwede ditong mag-check ng Pag-IBIG savings at Modified Pag-IBIG 2 (MP2) investment, pati na irn mag-apply ng loan at mag-abang sa status nito.
Naglabas ng video guide ang Pag-IBIG sa YouTube channel nito.

Read: 18 years old ka na? Simulan nang i-secure ang iyong future sa Pag-IBIG Fund
STEP-BY-STEP GUIDE TO OPENING A VIRTUAL PAG-IBIG ACCOUNT
Pumunta sa Pag-IBIG website. I-click ang “Virtual Pag-IBIG” tab at piliin ang “For Members."

I-click ang “Create Account” at piliin ang “Via Loyalty Card Plus.”

I-enter ang 12-digit Pag-IBIG MID Number na makikita sa harap ng iyong Loyalty Card Plus.
Piliin ang partner bank na nag-isyu ng iyong Pag-IBIG Loyalty Card Plus.
I-enter ang last four (4) digits ng Loyalty Card Plus na makikita sa likod ng card. Pagkatapos nito, click “Proceed.”
I-click ang “OK” button at i-enter ang OTP na ipapadala sa iyong mobile number. Click “Proceed.”

I-validate ang iyong Pag-IBIG MID number, i-enter, at i-confirm ang iyong email address.

Para ma-secure ang iyong account, pumili ng tatlong security questions at sagutan ang mga ito. Makakatulong ang mga ito sakaling makalimutan mo ang iyong password.
I-check ang “Certify” box matapos i-check kung tama ang lahat ng impormasyon pagkatapos ay i-click ang “Submit” button.

Ito ang huling step.
Ipapadala via email ang iyong temporary password at huwag kalimutang baguhin ito.

I-download ang Pag-IBIG mobile app sa Google Play at Apple Store para ma-access ito via mobile.
