Heads up!
Sasailalim sa isang system maintenance ang kilalang electronic wallet o e-wallet application na GCash ngayong madaling araw ng Miyerkules, February 12, 2025.
Ginawa ang advisory sa pamamagitan ng Facebook account ng GCash ngayong hapon ng Martes, February 11.
GCASH SYSTEM MAINTENANCE
Tatagal ng isang oras ang system maintenance.
Post nito via Facebook: “The GCash app will be taking a break to make way for system maintenance on Wednesday, Feb 12, from 12 AM to 1 AM.
“Please plan your transactions ahead to avoid any inconvenience.
“Thank you.”
Read: PhilHealth increases members' benefits by up to 50% in 2025
Sunod-sunod naman ang post ng netizens sa pagre-repost ng advisory via their social media accounts.
Nagsimula ang GCash noong 2004 kaya’t dalawang dekada na ang kilalang e-wallet app o digital payment platform na ito.
Sa isang October 2024 report, binanggit na tinatayang nasa 94 million Filipinos ang active users nito o 8 out of 10 Pinoys.
