Inilunsad ng Home Development Mutual Fund (HDMF), o Pag-IBIG Fund, ang Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo noong December 2024.
Layunin nitong makahikayat ng mas maraming overseas Filipino workers, self-employed individuals, online sellers, at maging informal sector workers para magparehistro bilang miyembro.

Para rin ito sa mga aktibong miyembro na nakapag-save na sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings nitong nakalipas na tatlong buwan.
Tatawagin ang mga aktibong miyembrong bilang mga “PagIBIGfluencers.”
Read: BPI stops Load E-Wallet service for GCash, Maya
HOW THE RAFFLE PROMO WORKS
Ang mga PagIBIGfluencer ay maaaring mag-imbita ng kahit isa lang na OFW o informal sector worker para maging bagong miyembro.
Maaari ring imbitahin ang dating Pag-IBIG member na i-reactivate ang membership kung matagal nang hindi naghuhulog.
Ang bawat maiimbitahan ng PagIBIGfluencers ay tatawaging “Plus 1.”
Read: Lalamove adds ride-hailing to its services
PAGIBIGFLUENCER, PLUS 1 TO GET CHANCE TO WIN IN GRAND DRAW
Paliwanag ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD): “Through the 1 Plus 1 Raffle Promo, we can reach more Filipino workers.
“We can provide them with avenues to save for their future and obtain affordable homes, especially under our Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing [4PH] Program.”
Si Acuzar ang chairman ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Magkakaroon naman ang PagIBIGfluencer at ang Plus 1 ng eligibility para sa savings and housing loan programs ng ahensiya.
May tsansa rin silang makalahok sa isang Grand Draw kung saan maaari silang manalo ng hanggang PHP500,000 na premyo.
Para sa mga interesadong lumahok sa Pag-IBIG 1 Plus 1 Raffle Promo, mag-sign up sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: https://www.pagibigfundservices.com/1plus1/.
Ang promo ay tatagal hanggang November 30, 2025.
Ang inisyatibang ito ay hindi lang basta isang raffle promo.
Layunin din nitong makahikayat ng mas maraming Pilipino na maging miyembro ng Pag-IBIG Fund.
Ang isang member ay maaaring makakuha ng mga benepisyo, gaya ng housing loans, multi-purpose loans, at calamity loans.
Magiging kuwalipikado rin ang member sa mga savings programs, gaya ng Regular Savings and Modified Pag-IBIG II (MP2).
