Binuksan na ang applications para sa University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) sa darating na school year 2006-2007.
Inanunsiyo ito ng UP sa official website nito kahapon, Marso 3, 2025.
Gagawin ang UPCAT 2026 applications hanggang March 31, 2025.
Ang mga eligible applicants ay mga Grade 11 (SY 2024-2025) at Grade 12 students na hindi pa kumukuha ng UPCAT.
Naka-schedule naman ang actual UPCAT sa darating na Agosto 2-3, 2025, at gaganapin sa 116 testing centers ang exam.
Dinagdagan ang testing centers dahil sa bagong tayong locations sa Marawi City, Lanao del Sur, at Sta. Maria, Davao Occidental.
Nire-require ang mga Grade 11 student applicants na i- confirm ng kanilang mga paaralan ang kanilang eligibility sa Form 2A online portal on or before April 4, 2025.
Required din ang applicants na makumpleto ang submission ng kanilang grades (Form 2B) mula August 4-5, 2025.
Para sa karagdagang detalye, maaaring bumisita sa website ng UP Office of Admission website for UPCAT 2026 at sa official social-media accounts ng UP.
Read: Marikina starts Car-Free Sundays for healthy lifestyle
FINANCIAL ASSISTANCE TO DESERVING APPLICANTS
Pagdating naman ng second year, bibigyan ng financial assistance ang mga passers na galing sa “low-income families, geographically isolated, and disadvantaged areas.”
Paliwanag ng UP, nananating “significant barrier” ang kahirapan sa ibang deserving students sa kabila ng free tuition sa ilalim ng Republic Act 10931.
Sa pamamagitang Lingap-Iskolar Program ng kilalang unibersidad, nabibigyan ng comprehensive assistance ang UPCAT qualifiers.
Ang program na ito ay nag-aabot ng financial aid sa mga estudyanteng kabilang sa mga pamilyang ang annual income ay PHP135,000 o pababa, at walang natatanggap na ibang scholarship.
Naglaan si UP President Angelo Jimenez ng initial PHP50 million budget sa programa simula noong 2024 at nagpo-provide din ito ng housing, pagkain, communication, transportation, at educational materials assistance sa grantees.
Maaari ring mag-avail ang mga estudyante ng mentoring programs at mag-apply sa Student Assistant Work Program (SAGA Program) para sa karagdagang financial support.
Ani Jimenez, “These programs are part of UP’s mission to democratize access to education and uplift marginalized students.”
Aniya pa, misyon ng UPCAT 2026 at Lingap Iskolar Program na maalalayan ang mga deserving students pero kulang sa means.
Tinatayang 194 students ang nakinabang sa programa para sa school year 2024-2025, kabilang ang 90 grantees mula UP Baguio, UP Cebu, UP Mindanao, at UP Los Baños.
Saad pa sa UP article, “Interested students can coordinate with the UP Office of Student Development Services (OSDS) or their respective Constituent University’s Office of Student Affairs (OSA) within the confirmation period set by the UP Office of Admissions.”
