Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong March 2025, naghahandog ang Land Transportation Office (LTO) ng free theoretical driving course para sa mga kababaihan.
Inianunsiyo ito ng LTO last March 5 sa official Facebook account ng ahensiya.
Ang free driving course ay isasagawa sa dalawang batch sa mga sumusunod na petsa:
Batch 1: March 11-12, 2025
Batch 2: March 13-14, 2025
Sa bawat batch ay tatanggap ng 50 applicants.
Read: Here's how non-college graduates can earn degrees
HOW TO AVAIL OF FREE DRIVING COURSE FROM LTO
Para sa mga kababaihang interesadong matutong magmaneho at gustong mag-avail ng offer ng LTO, i-scan lang ang QR code na nasa image para makapagparehistro online.

Para sa mga taga-probinsya, maging ang mga LTO district offices ay naghahandog din ng katulad ng libreng driving lesson.
Bisitahin lang ang Facebook pages ng LTO district offices para makapagparehistro.
Read: What you need to know about Pag-IBIG Fund's MP2 Savings Program
REQUIREMENTS FOR LTO’S FREE DRIVING COURSE
Sa mga matatanggap ang application, magdala ng mga sumusunod na requirements sa pagpunta sa LTO office/district office kung saan kayo nakapagparehistro:
- PSA Birth Certificate o National ID. Magdala ng isang (1) photocopy. Dalhin din ang original copy para sa verification and scanning purposes.
- Para sa applicants na menor de edad (16 or 17 yrs old), magdala ng parent or guardian consent, at photocopy ng valid ID ng parent o guardian.
- Kung married na ang applicant, magdala ng magdala ng marriage contract (PSA).
Read: Here are energy-saving hacks to reduce electricity bills
FREE HAIRCUT FOR WOMEN AT LRT-LINE 2 STATIONS
Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng National Women’s Month, ibinahagi ng Philippine Commission on Women na may libreng haircut para sa 30 women passengers sa selected Light Rail Transit-Line 2 stations.
Naririto ang schedule:
March 12–Antipolo Station
March 19–Araneta Center Cubao Station
March 26–Recto Station

Magkakaroon din ng priority lane para sa mga kababaihan—bata at matanda—sa National Museum of the Philippines’ Museum of Fine Arts, Anthropology, Natural History, at sa lahat ng Regional Component Museums sa March 7, 14, 21, at 28.
Ayon sa PCW, ang National Women’s Month celebration ay hindi lang paggunita sa "historical roots of women's advocacy."
Nagsisilbi rin itong paalala sa patuloy na paghahangad ng mga kababaihan ng isang “just and inclusive society.”
Ang tema ng pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong taon ay "Babae sa lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas."
Read: UPCAT applications now open; offers grants to deserving students
