Isinasagawa ang Fire Prevention Month sa Pilipinas sa kabuuan ng Marso kada taon.
Sa ganitong buwan kasi ay sobrang init ng temperatura sa ating bansa kaya sobrang taas din ng risk na magkaroon ng sunog.
Ngayong 2025, heto ang tema ng Fire Prevention Month: "Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa!"
Layunin nitong magkaroon ang publiko ng awareness tungkol sa fire safety and prevention.

Hinihikayat din na maging mas maingat ang mga Pilipino at mapagmatyag sa fire hazards o puwedeng pagmulan ng sunog sa kanilang tahanan, eskuwelahan, lugar ng hanapbuhay, at komunidad.
Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ang lead agency sa pagsasagawa ng mga aktibidad para mapalaganap ang mga impormasyon tungkol sa fire safety, at kung paano maiiwasan ang mga insidente ng sunog.
Ipinapaalala naman ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga consumers at mga negosyo na gawing prayoridad ang pag-iingat sa sunog sa pamamagitan ng pagtiyak na ang fire-related products ay tumutugon sa quality and safety standards.
Read: Problem with rats at home? Use peppermint to keep them away
HOW TO PREVENT FIRE INCIDENTS
Naririto ang ilang tips mula sa BFP para maiwasan ang fire incidents:
I-UNPLUG O TANGGALIN SA OUTLET ANG MGA APPLIANCES
Ayon sa Standardized Public Fire Education Manual ng BFP:
“When not in use, electrical equipment or appliances that are plugged in not only increase your bill consumption but can also cause house fires.
“Therefore, be sure to unplug appliances when not in use, especially if no one is in the house.”
Read: Paano palamigin ang bahay nang walang aircon ngayong summer?
MAG-INVEST SA FIRE EXTINGUISHER O MAG-INSTALL NG FIRE PROTECTION SYSTEM
Paalala ng BFP: “Investing in fire protection systems like smoke detectors or alarms can also help you protect against fire incidents or keep a fire extinguisher in your home if you have an insufficient budget.
“You can also install lightning rods to your outdoor antennas to prevent your home from fire due to a lightning strike.”
Read: Summer eating tips: What doctors want you to know
BANTAYAN ANG NILULUTO
Ipinaalala rin ng BFP na hangga’t maaari ay manatiling naka-focus ang atensiyon sa ginagawang household chores, lalo na kung nagluluto.
Huwag iiwan ang niluluto lalo na kung nakasindi pa ang stove—gas man o de-kuryente.
Dagdag ng BFP: “Avoid multitasking, too.
“Seek assistance from a family member if you need more hands.”
Read: DOH warns about heat-related illnesses; gives preventive tips
ALISIN O PALITAN NA ANG SIRANG APPLIANCES
Pagkaminsan, mainam pang i-let go na lang ang luma at sirang gamit o kasangkapan na maaaring magdulot ng panganib sa pamilya—kahit pa mayroon itong sentimental value.
“If these equipment or appliances have torn wires, get rid of them,” payo ng BFP.
“You’re not only saving your family from house fires, but you also save energy consumption.”
Read: Here are top 5 jobs with highest daily average pay
MAGING MAINGAT SA PAGGAMIT NG KANDILA
Kung gumagamit ng kandila, maging maingat.
Kung kaya sa budget, bumili na lang ng solar lamps.

Paalala ng BFP: “Keep them away from your pets or children to avoid accidents.
“Buying solar lights or lamps is also a great investment instead of frequently using candles.
“Isang simpleng ihip, isang malaking trahedya ang maiiwasan—patayin ang kandila bago umalis.”
Read: It's now a law: Non-college grads can finally earn degrees!
POWER STRIP AT EXTENSION CORD, FIRE HAZARD DIN
Ipinaalala rin ng BFP na iwasan ang paggamit ng power strip at extension cord.
Madalas daw silang pagmulan ng sunog.
Ang power strip ay may internal fuse o surge protection para ma-prevent ang biglang pagtaas ng daloy ng kuryente.
Ang extension cord ay wala—at ginagamit ito kung hindi abot ang cord ng appliance sa wall outlet.
Gayunpaman, kahit ang power strip ay may internal fuse, hindi pa rin ito garantiya na 100 percent safe—lalo na kung maraming nakasaksak na appliances.
Mas delikado naman ang extension cord lalo na kung maraming nakasaksak dahil wala itong surge protection.

Ang power strip at extension cord ay hindi nakadisenyo para mag-handle ng high current flow para sa mga umiinit na appliances.
Pinagmumulan ito ng overheating na nagiging sanhi ng sunog.
Huwag ding kalimutan na ang power strip at extension cord ay for temporary usage only.
Hindi ito puwedeng gamitin 24/7.
Hindi rin puwedeng dito i-plug ang malalaking appliances, gaya ng refrigerator, air-con, washing machine, oven, electric stove, microwave oven, at iba pa.
Kung kailangan ng additional outlets, tumawag ng professional electrician at magpa-install para maiwasan ang paggamit ng power strip at extension cord.
Read: Filipino engineering students win at WED Hackathon 2025 in Paris
GUMAMIT NG THIRD PRONG
Ipinapayo rin ang paggamit ng third prong lalo na kung gagamit ng power strip at extension cord.
Ang third prong ay proteksiyon laban sa power surge at malfunctions.
Ikonsidera ring i-update ang two-pronged outlets sa inyong tahanan.
Kung luma ng ang inyong bahay, posibleng luma na rin ang electrical system nito.
Ipa-check sa electrician, at hangga’t maaari ay ipa-upgrade na.
Ang mga luma at hindi pa modernong electrical systems ay mas prone sa overheating na kadalasang sanhi ng sunog.
At kung hindi maiiwasan ang paggamit ng power strip at extension cord, tiyakin na maayos ang kanilang kondisyon.
I-check ang pinakakawad at prong kung may anumang damage.
Kapag depektibo na, tanggalin sa wall outlet at i-dispose na kaagad para hindi na aksidenteng magamit pa at pagmulan ng sunog.
Read: Why hanging overripe bananas in your garden is beneficial
