Ngayong 2025, samantalahin ang pagkakataon para maka-avail ng ino-offer ng Harvard University na free online courses.
Makakatulong ang alinmang course sa professional advancement at sa mga gustong mag-pursue ng bagong area of interest.
Ang Harvard University ay matatagpuan sa Cambridge, Massachusetts, United States.
Itinatag ito noong October 28, 1636.
Kilala ito bilang world-leading institution of higher education dahil sa high academic rankings, renowned faculty, and a strong alumni network na kinabibilangan ng mga influential figures.
Ang top-notch faculty ng Harvard ang mangangasiwa ng mga online courses.
Walang specific deadline para sa application.

Read: It's now a law: Non-college grads can finally earn degrees!
ONLINE COURSES TO CHOOSE FROM
Nasa 122 ang bilang ng free online courses na ino-offer ng Harvard University this 2025.
Kabilang dito ang business, technology, humanities, at data science.
Nakadisenyo ang mga modules para sa lifelong learners na gustong maka-develop ng valuable at in-demand skills mula sa itinuturing na world’s top institutions.
Read: Filipino engineering students win at WED Hackathon 2025 in Paris
HARVARD UNIVERSITY's FREE ONLINE COURSES: WHO CAN APPLY?
Ang free online courses ng Harvard University ay open sa lahat, anuman ang edad, nationality, at educational background.
Walang selection criteria.
Walang limit sa dami ng kursong gustong pag-aralan.
Kahit sinong residente ng alinmang bansa sa buong mundo ay maaaring mag-enroll.
Sa edX platform, na joint project ng Harvard at isa pang bigating institution na Massachusetts Institute of Technology (MIT), maa-access ang library of courses and programs.
Read: Pag-IBIG launches raffle promo to attract new members
HARVARD UNIVERSITY's FREE ONLINE COURSES: how to APPLY?
Ang online courses ay walang bayad, pero kapag nakatapos ang isang estudyante, pagkakalooban siya ng certificate for a minimal fee.
Puwedeng isali sa credentials at ilagay sa professional profile ang kursong natapos.
Para makapag-apply, sundin lamang ang mga sumusunod na steps:
- Bisitahin ang edX platform, i-click ang “Apply Now” link.
- Pumili mula sa mga available courses.
- Mag-create ng account sa edX platform para ma-access ang mga courses.
- Tandaan ang registration ID para sa future logins.
Iba-iba ang duration ng mga courses dahil sila ay self-paced programs at available sa kabuuan ng 2025.
