PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

BSP warns against SMishing or phishing via text messaging

Don't be scammed. Don't click dubious links in text messages.
by Bernie V. Franco
Published Mar 18, 2025
text messaging
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has launched an information campaign to warn the public about SMishing, a type of scam that involves stealing personal information through deceptive messages.
PHOTO/S: Canva

Nakatanggap ka ba ng text message na nagsasabing nanalo ka raw ng points o cash prize? Na may isang work-from-home job opportunity?

Pagkatapos ay may link na kinakailangan mong i-click para raw sa detalye?

Scam ito!

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tungkol sa tinatawag ngayong “SMishing,” isang uri ng phishing o scam, kunsaan illegal na kinukuha ang iyong personal information, tulad ng Personal Identification Number (PIN) o password.

Mangyayari ito sa oras na i-click ang link na kasama sa ipinadalang text message.

Pagka-click, ida-divert ka sa isang fake website na hihingin ang iyong username at password.

Sa inilabas na video ng BSP, ipinaalala ang mga dapat tandaan kapag nakatanggap ng kaduda-dudang text messages at para hindi mabiktima ng SMishing.

Ang kampanya ng BSP ay tinawag na CPR—Check, Protect, Report.

Read: Summer eating tips: What doctors want you to know

CHECK

Babala ng BSP, huwag na huwag i-click ang link kapag nakatanggap ng text message na tila galing sa bangko, e-money user, o kaya ay kilalang kumpanya o brand.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinihikayat din ang receivers na huwag mag-reply.

Ang mga bangko ay hinding-hindi hihingi ng personal details ukol sa inyong account via text message, paalala ng BSP.

Kadalasan, ang mga text messages na ito ay maraming mali, tulad spelling, punctuation marks, capitalization, grammar, at may kasamang kaduda-dudang link o website.

Ipinapayo na i-block agad ang sender at burahin ang ganitong text message.

scam icon
Bangko Sentral ng Pilipinas warns about dubious text messages that include doubtful links.
Photo/s: Canva
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PROTECT

Paalala ng BSP, alamin ang control features ng mobile at internet application ng inyong bangko o e-money issuer.

  • Alamin ang transaction limit ng mga ito
  • Asikasuhin ang multi-factor authentication requirements
  • Lagyan ng device restrictions
  • I-check ang login at notification settings, dapat mag-require ang mga ito ng OTP (One-Time Pin).

Lahat ito ay added layers of protection sa tuwing magkakaroon ng digital transaction.

Read: Here are top 5 jobs with highest daily average pay

REPORT

Kapag nagkaroon ng kaduda-dudang transaction sa iyong account, i-report agad ito sa bangko o e-money issuer upang maaksiyunan agad.

Kung aksidenteng na-click ang link sa text message, itawag agad sa bangko o e-money issuer para maabisuhan sila at mapayuhan ka kung ano ang susunod na gagawin.

Dapat ding palitan agad ang password.

Sa ganitong sitwasyon, kailangang maging maingat at maagap.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) has launched an information campaign to warn the public about SMishing, a type of scam that involves stealing personal information through deceptive messages.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results