Inianunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) ang isang government-to-government program katuwang ang Croatia, kung saan may 3,500 job openings para sa mga Filipino hotel workers.
Inihayag ito ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan nitong March 18, 2025.

Ani Caunan, ang libu-libong job openings sa Croatia ay bahagi ng lumalakas na labor ties sa pagitan ng Pilipinas at ng mga bansa sa Europe.
Read: BSP warns against SMishing or phishing via text messaging
JOB OPENINGS SA CROATIA, WALANG PLACEMENT FEE
Ibinahagi rin ni Caunan na ang 3,500 job openings sa Croatia ay pangunang job order pa lang. Ibig sabihin, maraming pang emplyment opportunities.
Ang maganda pa, wala aniya itong placement fee.
“Nasa final stage na ng pagbalangkas ng rules on government-to-government.
“Pero ang mensahe sa amin ng Croatian side ay kailangan na nila ang mga workers this summer, which is latter part of April and May.”
Read: Harvard University offers 122 online courses for free
CAREGIVERS SA CROATIA, EU COuNTRIES, MALAKI ANG SUWELDO
Ipinaliwanag din ni Cunanan na ang mga Filipino workers na may experience sa housekeeping, food service, at front-desk operations ay maaaring mag-apply nang direkta sa pamamagitan ng Pre-Employment and Government Placement Bureau ng DMW.
Bukod naman sa Croatia, nakakuha rin aniya ang DMW ng labor agreements sa Slovenia at Hungary.
Binaybay rin niya ang posibleng maging suweldo ng OFWs sa mga bansang nabanggit.
“Sa Croatia, it is 1,000 euros above. Sa Slovenia naman, nasa around 1,500 to 2,500 euros para sa caregivers.”
Ang suweldong 1,000 euros ay halos katumbas ng PHP62,000.
Ani Caunan, tumutulong ang DMW sa upskilling ng OFWs katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority.
