Ang mga Filipino na nagpaplanong magbiyahe patungong Japan gamit ang tourist visa—multiple o kahit single entry—ay hindi na kailangang magbayad ng visa fee.
Tanging ang babayaran ay ang center-usage fees at iba pang additional services—na maaaring ma-avail ng mga tourists kapag nagbukas na ang mga bagong visa application centers ng Japan.
Ito ang inanunsyo ng Embassy of Japan sa Pilipinas nitong March 19, 2025.

Paglilinaw ng Embassy of Japan: “We do not impose any fee for visa, at least for tourism visa.
“But of course travel agencies or visa centers have to do their own jobs and also have to manage to streamline thousands of visas a day—so, therefore, they do have a fee of their own.”
Maliban sa tourist visas, nilinaw rin ng embassy na may bayad para sa ibang visa types, kabilang ang visas para sa long-term stays.
Read: AMAZING! This 19-foot bridge connects Spain and Portugal
EMBASSY OF JAPAN TO OPEN 5 VISA APPLICATION CENTERS
Ang Embassy of Japan ay magbubukas ng limang Japan Visa Application Center (JVAC)—na nasa Cebu City, Davao City, Makati City, Parañaque City, at Quezon City sa April 7, 2025.
Pamamahalaan ito ng VFS Global, isang commercial firm na makakatuwang ng embassy para mag-provide ng support services sa mga nag-apply para sa Japanese visa.
Paalala pa ng embassy sa tourist visa applicants, isumite ang kanilang application nang maaga para mailabas ang visa bago ang travel date.
Bago naman ang pagbubukas ng JVAC sa April 7, tatanggap lang muna at magpoproseso ng applications ang Embassy of Japan sa pamamagitan ng ilan sa accredited/registered travel agencies nito.
Dahil sa nakatakdang pagbubukas ng JVAC, hindi na tatanggapin ang mga applications sa mga accredited agencies simula sa April 6.
Pero kung ang applicant ay nakapag-apply na bago ang naturang petsa, ang kanyang passport ay ire-release sa agency kung saan siya nag-apply.
Read: Harvard University offers 122 online courses for free
APPLICANTS PAY FOR VISA & CENTER USAGE FEES
Sa isa pang inilabas na advisory ng embassy, sinabi nitong ang JVAC ay magtatakda ng visa and center usage fee na PHP520.
Ang center usage fee—o user fee—ay charge o bayad kaugnay ng paggamit ng user ng specific facility or service, gaya halimbawa ng gym, library, or event space.
Kailangan itong bayaran ng visa applicant sa oras na nag-apply ito.
Maaari namang mabago ang amount na ito depende sa nationality and application.
Tulad ng ibang foreign government clients, ang VFS Global ay nag-o-offer din ng “additional services” para sa JVAC gaya ng PHP1,500 premium lounge kung saan makaka-experience ang applicant ng end-to-end personalized visa submission.
Inihayag din ng embassy na ang mga travel agencies na affiliated ay “reliable travel organizations” at papayagan ding tumanggap ng new applications.
Ang reliable travel organizations na ito na ang magdadala ng new applications sa visa center, on behalf of the traveler.
Gayunpaman, ang prosesong ito ay dapat na “well-coordinated” sa VFS Global dahil itinuturing ang bagay na ito bilang “commercial activities between the visa center and the travel agencies.”
Read: CHECK THIS OUT: World’s longest car The American Dream
