Regular holiday sa buong bansa ang April 1, 2025, bilang paggunita sa Eid’l Fitr, o ang Feast of Ramadan.
Idineklara ito ng Malacañang kahapon, March 20, nang lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation 839.
Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na ideklara ang naturang petsa bilang national holiday.

Ang Eid’l Fitr ay kinikilala na regular holiday sa bisa ng Republic Act 9177 bilang pag-alala sa Islamic heritage ng Pilipinas.
Nadedetermina ang petsa nito sa pamamagitan ng paggamit ng lunar-based Islamic calendar batay sa sighting ng crescent moon sa Islamic month of Shawwal.
Read: Embassy of Japan scraps visa fee for Filipino tourists
IMPORTANCE OF PROCLAIMING APRIL 1, 2025 AS REGULAR HOLIDAY
Sa ilalim ng Proclamation 839, sinabi ni Marcos na mahalagang iproklama ang April 1 bilang isang regular holiday, “to bring the religious and cultural significance of the Eid’l Fitr to the fore of national consciousness.”
Magkakaroon din umano ang buong bansa ng pagkakataon na makilahok sa mga kapatid na Muslim para sa kapayapaan at pagkakaisa habang ipinagdiriwang ang Eid’l Fitr.
Read: Croatia opens 3,500 hotel jobs for overseas Filipino workers
SIX PERCENT OF PHILIPPINES’ TOTAL POPULATION ARE MUSLIM FILIPINOS
Ang Eid'l Fitr ay isa sa dalawang pinakamahalagang pagdiriwang ng Islam.
Isinasagawa ito ng Muslim community tatlong araw bago ang isang buwang Ramadan fasting.
Ang isa pang selebrasyon ay ang Eid al-Adha, o ang Feast of the Sacrifice.
Isinasagawa naman ang Eid al-Adha tuwing ika-10 araw ng huling buwan ng Islamic calendar bilang pag-alala sa kahandaan ni Ibrahim (Abraham) na isakripisyo ang kanyang anak na lalaki para sa Diyos.
Ang anim na porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng Muslim Filipinos.
Read: Harvard University offers 122 online courses for free
