Extended na ang operating hours ng Metro Rail Transit (MRT)-3 mula Lunes hanggang Biyernes.
Dinagdagan ng isang oras ang pagtakbo ng mga tren, at sinimulan ang bagong schedule ng closing time nitong Lunes, March 24, 2025.
Magandang balita ito para sa mga empleyadong late nakakauwi at inaabutan ng rush hour.
Malaking tulong din ito para sa mga estudyanteng nagko-commute.
Ipinost ang announcement sa Department of Transportation MRT-3 Facebook account.
“Officially starting today extended na po ang oras ng MRT-3. Today umpisa na yun, tuluy-tuloy na yun,” pahayag ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Iniutos din ni Dizon na dagdagan ang deployment ng karagdagang tren para maiwasan ang mahahabang pila sa key stations tuwing peak hours sa umaga at hapon.
“Malaking bagay iyan [MRT-3 extension] lalo na sa mga kababayan natin na ginagabi,” dagdag ni Dizon.
Read: Married women can revert to their maiden names. Here’s how—DFA
EXTENDED OPERATING HOURs
Kalakip ng announcement ay ang detalye para sa extension ng operating hours ng MRT-3.
Ang bagong train departure times ay 10:30 P.M. para sa North Avenue Station southbound, at 11:09 P.M. para sa Taft Avenue Station northbound.
Dati, umaalis ang huling tren ng 9:30 P.M. at 10:09 P.M., respectively, mula sa mga nabanggit na station.


Pagsapit naman ng weekends ay balik sa regular operating hours ang MRT-3 upang sa gayon ay maisailalim sa regular maintenance ang mga tren.
Ang departure ng last train sa North Avenue ay 9:30 P.M., habang ang last train sa Taft Avenue Station ay 10:09 P.M.
Ipapaskil din ang updated signages sa 13 stations bilang gabay para sa mga commuters ukol sa bagong train operating hours.
Read: PhilHealth lifts 45-day benefit limit rule for members
