Obvious naman sa ating lahat kung saan nanggagaling ang odor sa ating bathroom.
Kung minsan, dahil walang itong bintana, maging ang exhaust fan ay hirap na hirap maitaboy ang kakaibang amoy.
At kahit gaano kalinis ang comfort room, nagtataka tayo kung bakit mayroon pa ring amoy.

Suriin natin.
Malinis ba ang bowl?
Hindi ito barado?
Maging ang shower area ay malinis?
So, saan nanggagaling ang amoy na hindi mawala-wala?
Read: Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry
TOILET TANK COULD BE THE SOURCE OF FOUL ODOR
Subukang tanggalin ang takip ng toilet tank.
Marami ang hindi ito pinapansin, pero ang tubig na nakaimbak dito ay maaaring pagmulan ng foul odor.
Lagi kasi itong sarado, at kung hindi nalilinis ay nagkakaroon ng mold o mildew, na nagiging sanhi ng masansang na amoy.
Minsan, may nakakalusot din na butiki at iba pang insekto na namamatay sa loob.
Hindi naman kumplikado ang paglilinis ng toilet tank.

Pero ang paggamit ng bleach ay maaaring maka-damage sa ilang components o mekanismo sa loob nito gaya ng seals and floats.
Ang pinakamagandang alternative bilang cleanser ay ang vinegar, liquid detergent, at baking soda.
Read: Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers
HOW TO CLEAN THE TOILET TANK
Medyo kakain din ng oras ang paglilinis ng toilet tank kaya pinakamainam na gawin ito sa araw na walang ibang tao sa bahay.
Ihanda ang mga supplies at materyales na gagamitin gaya ng towel, cleanser, long-handled scrubber o kaya ay toilet-bowl brush, at gloves.
Alisin ang takip ng toilet tank at ipatong sa ibabaw ng towel para hindi marumihan ang sahig o bath.

Hayaang may lamang kaunting tubig ang tangke habang nililinis.
Iangat ang float. Ito ay para naka-activate ang tank na parang puno ito ng tubig.
Dahan-dahang i-secure ito sa flusher.
I-flush para ma-drain ang tank, pero hayaang may matitirang maliit na amount ng tubig.
Ihalo ang cleanser sa tubig sa toilet tank: three tablespoons ng liquid soap, half cup of white vinegar, at half cup of baking soda.
Kawkawin ito ng toilet-bowl brush para maghalu-halo at bumula.
Gamit ang long-handled brush, marahang i-scrub ang ilalim at mga gilid ng toilet at tiyaking nababasa ang mga iyon ng cleanser-water mixture.
Posibleng hindi agad ito malinis sa unang pasada, pero ituloy lang ang pagba-brush hanggang maging confident kang natanggal na ang mold o mildew sa ilalim at mga gilid.
Itigil muna ang pag-scrub at hayaan lang ang cleanser-water mixture sa toilet tank.
Makalipas ang ilang oras, muli itong i-brush.
i-release ang float para mapuno ng tubig ang toilet tank at saka i-flush.
Ilang beses ulitin ang pagpa-flush hanggang sa tuluyang matanggal ang cleanser-water mixture sa toilet tank.
Kung maoobserbahang tuluyang na-eliminate na ang odor, gawing palagian ang paglilinis ng toilet tank para manatiling kaaya-aya ang amoy ng comfort room.
Ideal na gawin ang paglilinis sa tangke every other month.
Read: Tips para magkaroon ng germ-free home using safe disinfectants
ADDITIONAL TIPS for CLEANING THE TOILET TANK
Kapag nakakita kayo ng spotty black substance sa gilid ng toilet tank, posibleng ito ay black mold, na isang health hazard.
Linisin agad ang tank at tiyaking natanggal lahat ang spotty black substance.
May mga pagkakataong sobrang dumi ng toilet tank at kailangang gamitan ng bleach para malinis.
Kung ganito ang sitwasyon, ihalo ang one part ng bleach sa 10 parts ng tubig. Halimbawa, kung isang cup ang bleach, ihalo ito sa 10 cups of water.
At kung gagamit ng bleach at iba pang harsh chemicals sa paglilinis ng toilet tank, magsuot ng gloves at mask.
Tiyakin ding may bentilasyon ang bathroom—siguraduhing may nakabukas na bintana o exhaust fan.
At huwag mag-e-experiment.
Huwag paghahalu-haluin sa toilet tank ang bleach, sabon, at iba pang chemicals.
Kung hindi naman confident sa paglilinis ng toilet tank, tumawag na lang ng expert cleaners.
Read: Tips para makontrol ang pagkakaroon ng ipis sa bahay
Source: HowStuffWorks
