Ang function ng thermos ay para mapanatili ang init o lamig ng inumin sa original temperature nito.
Kung kape, dapat na mainit.
Kung tubig—lalo na kung summer—dapat na malamig.
Ito rin ang lagayan ng coffee, tea, cold water or soup kung papasok sa trabaho o kung anumang activity sa labas ng bahay.

Read: Tips kung paano iwasan ang sobrang init sa loob ng kuwarto
PAANO NAGPA-FUNCTION ANG THERMOS
Ang thermos ay gumagamit ng vacuum-insulated technology para manatiling mainit o malamig ang laman nito.
Ang “bottle-within-a-bottle” design nito ay may vacuum sa pagitan ng dalawang walls.
Sa pamamagitan ng naturang vacuum, napapanatili ang temperature ng anumang laman ng thermos sa loob ng mahabang oras.

Dahil sa disenyong ito, hindi nagkakaroon ng heat induction, at napipigilan din ang pagkakaroon ng condensation sa labas.
Ang thermos ay may iba’t ibang brands, sukat at kulay.
May brand na “Thermos” ang mismong ginamit na pangalan.
Read: Tips kung paano linisin ang toilet tank
PAANO LINISIN ANG THERMOS
Pero paano ito linisin? Kung nilalagyan ito ng iba't ibang klase ng inumin, ano ang dapat gawin para mawala ang lasa?
Ayon sa website na EatingWell, iba ang istilo ng paglilinis ng thermos kumpara sa tipikal na reusable bottle o container.
Kailangan kasing ingatan ang insulation nito.
May dalawang paraan.
Ayon sa contributions ng mga users sa question-and-answer website na Quora, kung maglilinis ng thermos, maglagay ng kalahating tasa ng distilled white vinegar sa thermos at dagdagan ng isang kutsarang baking soda.

Ang kumbinasyong ito ay lilikha ng chemical reaction at magkakaroon ng bubbles o mga bula.
Hayaan sa loob ng 10 minuto.
Lagyan ng hot water at gumamit ng bottle brush o cleaning cloth para malinis nang todo ang loob ng thermos.
Banlawan ng maligamgam na tubig.
Kung hindi pa satisfied sa linis nito, uliting muli ang proseso.
Read: Tips para malinis at mapakintab muli ang gold jewelry
Nirekomenda naman ng website na Food Republic ang paggamit ng yelo at asin, na may natural antibacterial properties.

Maglagay ng crushed ice sa thermos at dagdagan ng dalawang kutsarang sea salt.
Ilagay ang takip at aluging mabuti.
Lagyan ng hot water at gumamit ng bottle brush o cleaning cloth para malinis nang todo ang loob.
Banlawan ng maligamgam na tubig.
Read: Tips para matanggal ang sebo sa plastic containers
MGA DAPAT IWASAN SA PAGLILINIS NG THERMOS
Kung maglilinis ng thermos, huwag gagamit ng chlorine o bleach—mga kemikal na masyadong matapang at maaaring makasira sa stainless-steel interior.
Huwag ding gagamit ng sobrang init o kumukulong tubig na posibleng ma-damage nito ang exterior.
Posible ring matunaw o mabiyak ang vacuum seal, na magiging dahilan para mawala ang proper insulation ng thermos.
Gamit ng flashlight ng mobile phone, silipin ang loob nito. May crack o punit ba? Napapanatili pa ba ang lamig o init?
If yes ang sagot sa dalawang tanong, panahon na para i-dispose ang thermos.
Read: Tips para magkaroon ng germ-free home using safe disinfectants
