PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

The Pope Dies: What happens next in the Vatican?

Pope Francis is the first pope in a century to be buried outside the Vatican.
by Bernie V. Franco
Published Apr 21, 2025
Pope
Following the passing of Pope Francis, a new Pope will be elected by the College of Cardinals through a conclave. Here’s how the process unfolds.
PHOTO/S: Canva

Pumanaw si Pope Francis ngayong araw, April 21, 2025, sa edad na 88.

Maraming deboto ang nalungkot.

Ang pansumandaling pagpapakita pala niya sa libu-libong nagtipon sa St. Peter’s Square nitong Linggo, para sa Easter Sunday, ang huli niyang public appearance.

Sa loob ng 12 taon, si Pope Francis ang humawak sa pinakamataas na posisyon sa Simbahang Katoliko.

Read: Pope Francis dies at 88

WHAT’S NEXT AFTER THE POPE'S DEATH?

Sa pagpanaw ng Santo Papa, ano ang susunod na mangyayari?

Ulat ng Qatar news network na Al Jazeera, magsisimula ang siyam na araw na pagluluksa o kung tawagin ay Novendiale.

Ang kanyang mga labi ay ipupuwesto sa St. Peter’s Basilica para sa public viewing.

Inaasahang dadagsa ang libu-libong deboto para makita ang mga labi ni Pope Francis.

Magsasagawa rin ng arawang pagdarasal sa mga Simbahang Katoliko sa buong mundo.

Ayon sa report, ang libing ay gagawin apat hanggang limang araw matapos ang pagpanaw ng Santo Papa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POPE FRANCIS’S REQUESTS FOR HIS FUNERAL

Sa nakaugaliang tradisyon, magarbo ang funeral para sa mga namatay na heads of the Catholic Church.

But before his death, nag-request si Pope Francis na gawing simple ang kanyang burol at libing, ulat ng BBC.

Kadalasan, ang kabaong ng mga namayapang pope ay gawa sa cypress, lead, at oak.

Pero ang gusto ni Pope Francis ay simpleng coffin—gawa sa kahoy at zinc.

Tinanggal din niya ang tradisyong ipinupuwesto ang labi ng Santo Papa sa catafalque, isang decorated wooden framework kunsaan ipinapatong ang coffin ng isang importanteng personalidad.

Matapos ang isang siglo, si Pope Francis ang kauna-unahang Santo Papa na ililibing sa labas ng Vatican.

Ang kanyang mga labi ay ihihimlay sa Basilica of St. Mary Major, isa sa four major papal basilicas ng Roma.

Kadalasan ay inililibing ang mga pumanaw na Santo Papa sa Vatican Grottoes, na nasa ilalim ng St. Peter Basilica.

Pope Francis
Pope Francis became the leader of the Catholic Church in 2013.
Photo/s: Catholic News Agency
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CHOOSING THE NEXT POPE

Kasunod ng pagkamatay ng pope, ipapatawag ang mga cardinal sa iba’t ibang panig ng mundo para sa isang pagpupulong sa Vatican na kung tawagin ay conclave.

Ang mga cardinals ay senior members ng clergy at ordained bishops ng Catholic Church. Lahat sila ay appointed ng Santo Papa.

Ayon pa sa BBC, ang kanilang grupo ay tinatawag na College of Cardinals, na ang pinaka-solemn responsibility ay ang pag-elect ng susunod na Santo Papa.

Sa kasalukuyan, mayroong 252 Catholic cardinals, at 138 sa mga ito ay puwedeng bumoto sa conclave.

Ang natitirang 114 ay may edad 80 pataas, at hindi na puwedeng bumoto, pero maaari pa silang sumali at makipagdebate sa kung sino ang ihahalal na bagong pope.

HOW IS THE CONCLAVE CONDUCTED?

Habang wala pang naihahalal na Santo Papa, ang College of Cardinals ang siyang mamamahala sa Simbahang Katoliko.

Ang conclave o botohan ay gaganapin sa Sistine Chapel “in strict secrecy.” Minsan, tumatagal ito ng ilang araw. Pero base sa kasaysayan, may mga tumagal ng ilang buwan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Malalaman naman ng publiko na may bago nang nahalal na pope batay sa usok na lalabas sa chimney ng Sistine Chapel.

Dalawang beses sa isang araw maglalabas ng usok. Mula ito sa mga sinunog na ballot papers ng mga cardinals.

Kapag itim ang usok, ibig sabihin ay hindi pa nakakapili ng bagong Santo Papa.

Puti naman kapag may bagong pinuno na ang Catholic Church.

white smoke
White smoke rising from the Sistine Chapel in 2013 signaled the election of a new pope—Pope Francis, who was chosen by a majority vote of the cardinals.
Photo/s: NBC News
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DECLARING THE ELECTION OF NEW POPE

Isang oras matapos ng conclave, kadalasan ay lalabas sa balcony na nakaharap sa St. Peter’s Square ang bagong pope.

Isang senior cardinal ang sasambitin ang Latin phrase na, “Habemus Papam,” na ang ang ibig sabihin ay: “We have a pope.”

Ipapakilala niya ang bagong lider ng Simbahang Katoliko sa napili nitong papal name.

Desisyon ng bagong pope kung gagamitin niya ang tunay niyang pangalan o gagamit ng ibang pangalan na hango sa kanyang predecessors, mentors, mga santo, at maging family members.

Ang pinakahuling pope na gumamit ng kanyang tunay na pangalan ay si Marcellus II noong 1555.

Nakilala siya bilang Pope Marcellus II, isang Italian na ang tunay na pangalan ay Marcello Cervini degli Spannocchi.

WHO IS ELIGIBLE TO BE POPE?

Kahit sinong taong nabinyagan bilang Roman Catholic ay puwedeng maging Santo Papa, ayon sa BBC report.

Subalit nakagawian nang isa sa mga cardinals ang pinipili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay rin sa kasaysayan, kadalasan ay namimili ang mga cardinal ng isang European, particularly, Italian.

Sa 266 na naging pope, 217 sa mga ito ay Italians.

Si Pope Francis, na isinilang sa Argentina, ang kauna-unahang pope mula sa South America.

Ayon sa Newsweek at Gulf News, si Cardinal Luis Antonio Tagle, 67, ng Pilipinas, ay "strong contender" at sinasabing makapagpapatuloy sa "progressive agenda" ni Pope Francis.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Following the passing of Pope Francis, a new Pope will be elected by the College of Cardinals through a conclave. Here’s how the process unfolds.
PHOTO/S: Canva
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results