Pinapayuhan ang mga residente ng Quezon City, lalo na sa ilang partikular na lugar, na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
Ito ay dahil sa nakakabahalang air quality, na maaaring magdulot ng respiratory diseases.
Ang abisong ito ay inilabas ng QC local government unit sa pamamagitan ng Facebook page nito, Lunes, April 28, 2025.
Ayon sa post (published as is): “QCitizens, pinapayuhan ang lahat ng lalabas ng bahay na magsuot ng face mask.
“Base sa pinaka-latest na Air Quality Index (AQI), may mga bahagi ng lungsod na ‘unhealthy’ at ‘very unhealthy’ ang kalidad ng hangin.
"Kaya kung mayroong respiratory illness tulad ng hika, iwasan munang lumabas ng bahay. Kung hindi maiiwasan at kinakailangang umalis, magsuot ng mask.”
Read: Antique school principal sacked but can still teach—Malacanang
QC AREAS AND THEIR AIR QUALITY INDEX
Kalakip ng post ay isang chart na naglalaman ng impormasyon ukol sa AQI, na "ginagamit upang malaman ang air quality at mga paalala upang maiwasan ang masamang epekto na dulot nito sa kalusugan ng tao."
Kalakip ng chart ang anim na face emojis na nagtataglay ng iba’t ibang kulay at facial expressions bilang batayan kung ligtas o nakakabahala ang AQI ng mga lugar.
Narito ang listahan:
Ang green ay nangangahulugang "Good" ang air quality at walang babala.
Narito ang mga ligtas na lugar:
- Quirino Highway cor. St. Dominic
- Quezon City General Hospital
- Balintawak Cloverleaf
- Quezon Ave./Sgt. Esguerra Footbridge
- La Loma Police Station 1
- Sto. Domingo Church
- E. Rodriguez Ave.
- Tomas Morato Ave.
- Brgy. Kalusugan Health Center
- N. Domingo
- New Era University
- Pansol Barangay Hall
- Quezon City Public Library
- EDSA/Timog Ave. Footbridge
- Silangan Brgy. Hall
- Libis Brgy. Hall Footbridge
- Obrero cor. Calle Industria
Para naman sa kulay dilaw o Fair, at wala ring babala, narito ang mga lugar:
- Pasong Tamo Elementary School
- Holy Spirit Elementary School
- Old Balara Elementary School
- St. Peter Church Footbridge
- Batasan Hills Barangay Hall
- Commonwealth Barangay Hall
- San Isidro Church
Para sa kulay Orange o "Unhealthy for Sensitive Groups," na may babala para sa may respiratory diseases, tulad ng hika:
- Cubao Arayat Market
- Dela Cruz Street
- Korphil Quezon City University
- Quirino Highway cor. Mindanao Ave.
- Tandang Sora Brgy. Hall Footbridge
- Novaliches Wet and Dry Market
- Brgy. Sauyo Baluyot Satellite Hall
- FEU Diliman, Pearl Drive Footbridge
- Jose Rizal High School
Ang panghuling warning ay ang Red o Unhealthy.
Para sa kategoryang ito, ipinapayo na limitahan ang paggamit ng sasakyan at pagpunta sa mga lugar na may matinding traffi.
Manatili lang sa bahay kung may heart/respiratory disease.
Kasama sa mga lugar na may red warning ang mga sumusunod:
- Susano Road
- Maligaya Elementary School
- Kaligayahan Elementary School
- Lagro High School
- Payatas Controlled Disposal Facility

Read: Botox 101: An aesthetic doctor addresses biggest misconceptions
Nag-iwan naman ang QC Government ng mga contact details para sa mga residente kung kailangan nila ng tulong.
“Para sa health concerns tulad ng hirap sa paghinga, hika, at iba pa, maaaring tumawag sa Quezon City Health Department (QCHD) sa Tel. No. (02) 8929-8038.
“Maaari ring tumawag sa QC Helpline 122 para sa iba pang agarang aksyon.
“Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa AQI, maaaring makipag-ugnayan sa Quezon City Climate Change and Environmental Sustainability Department (CCESD) sa Tel. No. 8988-4242 locals 8348/8349/8359/8360.”
