PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Free rides at MRT-3, LRT-1, LRT-2 from April 30 to May 3

In celebration of Labor Day.
by KC Cordero
Published Apr 29, 2025
Commuters of MRT-3
Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino at selebrasyon ng Labor Day, libre ang pagsakay sa MRT-3, LRT-1, LRT-2 mula April 30 hanggang May 3. (Photo: DOTr-MRT-3 Facebook)

Ma-e-enjoy ng commuters ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3), at Light Rail Transit (LRT) Lines 1 and 2 ang libreng sakay mula April 30 hanggang May 3, 2025.

Ito ay bilang bahagi ng pagdiriwang ng Labor Day.

Inianunsyo ito ng Department of Transportation (DOTr) sa official Facebook page nito ngayong April 29, 2025.

DOTr announcement
Ang anunsyo tungkol sa libreng sakay. Photo: DOTr-MRT-3 Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang video na ibinahagi ng Presidential Communications Office, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang libreng sakay ay bilang pagkilala sa mga manggagawang Pilipino.

Para rin umano ito mapagaan ang kanilang pagbiyahe sa Labor Day.

Ayon sa Pangulo, “Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at ang kontribusyon ng ating mga manggagawa, hindi lamang sa ating ekonomiya, kundi sa ating lipunan.”

Read: DepEd: School year 2025-2026 to start on June 16

SIGNIFICANCE OF LABOR DAY

Ang May 1 ay isang regular holiday sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Labor Day.

Sa taunang okasyong ito, kinikilala ng pamahalaan ang mga naging kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino sa economic and social development.

Ipinagdiriwang din ang kanilang makasaysayang pagsisikap upang magkaroon sila ng mas maayos na working conditions.

Read: Teachers' board exam to undergo revamp

FIRST LABOR DAY IN THE PHILIPPINES

Ang unang Labor Day celebration sa Pilipinas ay naganap noong 1903.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inorganisa ito ng Union Obrera Democratica de Filipinas. Dito ay nagmartsa ang malaking bilang ng mga manggagawang Pilipino patungo sa Malakanyang.

Nagprotesta ang mga ito para sa pagkakaroon ng maayos na kondisyon sa mga lugar pagawaan, at mas mainam na pagtrato sa mga manggagawa mula sa pamahalaang pinatatakbo noon ng mga Amerikano.

Malaki ang naging papel ng protestang ito noong 1903 para makamit ang mga karapatan na hanggang ngayon ay tinatamasa ng mga manggagawa.

Ang Labor Day ay nananatili ring isang platform para sa workers and labor organizations upang palawakin ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga kasalukuyang isyu, at sa pagsusulong ng mga reporma para patuloy na mapaganda ang working environments at matiyak ang pantay na pagtrato sa mga empleyado.

Read: Embassy of Japan scraps visa fee for Filipino tourists

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga manggagawang Pilipino at selebrasyon ng Labor Day, libre ang pagsakay sa MRT-3, LRT-1, LRT-2 mula April 30 hanggang May 3. (Photo: DOTr-MRT-3 Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results