Napansin mo na marahil nang kung ilang beses ang bagay na ito, pero hindi pinaglilimiang mabuti.
Ito ay ang two buttons sa toilet flush.
Maoobserbahan na ang isa ay malaki, at ang isa ay maliit,

Isa rito ang iyong dinidiinan kung alin ang magustuhan para mag-flush—nang hindi na namimili pa.
Pero may pagkakataon bang bahagya kang natigilan para itanong sa isip kung bakit nga ba dalawa ang buttons ng toilet flush?
Read: Goodbye, noisy kapitbahay! Sound Screw could be the solution!
SMART AND SUPER PRACTICAL REASON WHY TOILET FLUSH HAS TWO BUTTONS
Ang dahilan kaya dalawa ang buttons ng toilet flush ay hindi para magmukhang fancy ang disenyo ng bathroom.
Hindi rin ito isang design trend o kaya ay aesthetic choice para ang toilet ay magmukhang moderno.
Ayon sa ulat ng news website na Times of India last April 9, 2025, sa katunayan ay may “smart and super practical reason” kung bakit.

At may kinalaman iyon kung gaano karaming tubig ang magagamit sa araw-araw na pagpa-flush.
Ang toilets ngayon ay karaniwang mayroon nang tinatawag na dual-flush system.
Ibig sabihin, may dalawang magkaibang flush options.
Ang isa ay gumagamit ng mas konting tubig, samantalang ang isa pa ay mas marami—depende sa klase ng waste na kailangang i-flush.
Ginagamit ang maliit na button sa pagpa-flush ng liquid waste tulad ng ihi o urine.
Ang mas malaking button naman ay nakadisenyo para sa solid waste.
Hindi ito para lang sa convenience—manapa’y bahagi ng isang pangmalawakang pagsisikap na makatipid sa paggamit ng tubig.
Read: Tips kung paano linisin ang microwave oven
TRADITIONAL SINGLE-FLUSH TOILETS VS DUAL-FLUSH TOILETS
Ang pagpa-flush ng toilet ay isa sa pinakamaaksayang paraan sa paggamit ng tubig.
Ang traditional single-flush toilets ay gumagamit ng fixed amount ng tubig.
Kada flush sa traditional toilet, umaabot iyon ng siyam hanggang 12 litrong tubig—kahit ano pa ang palulubugin.
Napakarami niyon, lalo na kung ang ipa-flush lang naman ay liquid waste.
Nakadisenyo ang dual-flush toilets para maresolba ang pag-aaksayang ito sa tubig.
Ang maliit na button ay gumagamit lang ng mula tatlong litro ng tubig hanggang apat at kalahating litro.
Samantala, ang malaking button ay nakagagamit ng anim hanggang siyam na litrong tubig.
Kaya kung umihi at pagkatapos ay pinindot mo ang maliit na flush button, nakakatipid ka ng ilang litro ng tubig.
Read: Mini-refrigerator invented by 3 teens uses salt, not electricity
HOW MUCH WATER IS SAVED IN USING DUAL-FLUSH TOILET
Ayon sa ulat ng news website na Green Sutra, ang isang household na maayos na gumagamit ng dual-flush toilet ay nakatitipid ng hanggang 20,000 litro ng tubig kada taon—kung pipiliin ang tamang flush button.
Kung susumahin, para na ring nakatipid ng mahigit 100 full bathtubs ng tubig kada taon.
Bukod sa pagiging environmentally friendly, malaking tulong din ito para mapababa ang bayad sa water bills.
Read: Tips para tanggalin ang amoy kulob sa sasakyan
THE INVENTOR BEHIND THE DUAL-FLUSH SYSTEM
Kung titingnan, ang dual-flush system ay parang isang modern invention.
Ang totoo, ang konseptong ito ay ginagamit na sa loob ng ilang dekada.
Una itong ipinanukala ni Victor Papanek, isang American designer and educator.
Naniniwala si Victor sa paglikha ng mga solusyon para sa real-world problems.
Ang dual-flush system ay unang ginamit sa Australia noong 1980s.
Dahil sa pagiging epektibo nito, isa na ito ngayong global go-to para sa eco-conscious households.
Read: Siddarth Nandyala creates app that detects heart-related issues
HOW TO FIGURE OUT DUAL-FLUSH TOILET
Ngayon, aware ka na kung bakit dalawa ang buttons ng toilet flush.
Kung hindi ka naman sigurado kung ano ang function ng bawat isa, madali namang i-figure out ang dual-flush toilets.
Mapapansin na ang isang button ay mas maliit o kaya ay may marka ng symbol na parang half-circle o kaya ay single water droplet.
Kapag nakita mo ang symbol na ito, iyon ang ginagamit para mag-flush ng ihi.
Ang isang button ay mas malaki at may markang full circle o dalawang droplets—at ito ang ginagamit para sa solid waste.
Simple lang ang rule na dapat sundin: kung napa-jingle ka lang, gamitin ang mas maliit na button.
Para sa ibang dapat i-flush, gamitin ang mas malaki.
Kapag nakasanayan ito, magiging bahagi na ng iyong sistema—at kabilang ka na rin sa mga nakatutulong para makatipid sa paggamit ng tubig.
At kapag milyun-milyong tao na ang naging aware sa tamang paggamit ng dalawang flush buttons—napakalaki ng magiging impact nito.
Tandaan din na ang pagtitipid sa tubig ay hindi lang tungkol sa malaking pagbabago sa lifestyle.
Nangangailangan din ito ng mumunting saglit ng awareness.
Kaya sa susunod na gagamit ng toilet, tandaan na sa tamang pagpindot sa alinman sa dalawang flush buttons—napakalaking tulong na niyon sa planetang Earth.
