Alam mo na ba ang gagawin pagdating sa iyong precinct sa Philippine midterm elections sa Lunes, May 12, 2025?
Alamin ang step-by-step guide para sa pagboto sa gaganaping national at local elections.
Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) ng voting guide para sa mga botante.
Narito ang mga posisyon sa national at local elections at ang bilang ng mga iboboto sa bawat posisyon.
Basahing mabuti ang balota dahil naka-indicate dito kung ilan ang iboboto sa bawat posisyon.
National:
- 12 senators
- 1 party-list
Local:
- 1 member, House of Representatives
- 1 provincial governor
- 1 provincial vice-governor
- Sangguniang panlalawigan (number to vote indicated in ballot)
- 1 mayor
- 1 vice mayor
- Sangguniang panlungsod o bayan (number to vote indicated in ballot)
STEP-BY-STEP GUIDE TO VOTERS
Ang regular voting hours ay mula 7:00 A.M. hanggang 7:00 P.M.
Ilalaan naman ang early voting hours (5:00 A.M. - 7:00 A.M.) para sa persons with disabilities (PWDs), senior citizens, at mga buntis.
Papayagang bumoto ang kasama nilang assistants kung pareho ang precinct na kinabibilangan.

Walong steps ang ibinahagi ng Comelec para sa mga botante oras na malaman nila ang kinabibilangang precinct. Narito ang step-by-step guide:
- Lapitan ang electoral board. Sabihin ang pangalan, precinct number, at sequence number.
- Hahanapin ng electoral board ang iyong pangalan sa Election Day Computerized Voters List (EDCVL). Titiyakin nitong walang indelible ink ang iyong daliri, indikasyong hindi ka pa nakakaboto.
- Beberipikahin ng electoral board ang iyong identity at papipirmahin ka sa EDCVL.
- Kunin ang malinis na balota mula sa electoral board chair. Ilagay ang balota sa ibibigay na secrecy folder, kasama ang marking pen.
- Pumunta sa upuan sa voting area at simulan ang pagboto. Tiyaking naka-shade nang maayos ang bilog sa unahan ng pangalan ng kandidatong iboboto.

Paalala: Huwag mag-overvote o bumoto nang higit sa naka-indicate sa balota. Magiging sanhi kasi ito para ma-forfeit ang iyong balota.

- Matapos bumoto, ipasok ang balota sa automated counting machine. Hintaying lumabas ang resibo at i-check ang ballot image sa screen.
- I-review ang iyong voter’s receipt, at ihulog ito sa designated automated box. Ibalik ang folder at marking pen sa electoral board.
- Magpalagay ng indelible ink sa kuko ng index finger ng kanyang kamay. Lumabas ng precinct.
Para sa karagdagang election-related information, maaaring bumisita sa Comelec website at sa verified social media accounts ng ahensya.
