Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong May 9, 2025 ang Republic Act (RA) 12209 upang maging ganap na batas.
Ang R.A. 12209 ay nag-amyenda sa Republic Act (RA) 11235, o ang “Motorcycle Crime Prevention Act.”
Ito ay upang mapabilis ang pagpapatupad ng motorcycle safety measures, at maging ng penalties.
Tinanggal na rin nito ang kontrobersyal na “doble plaka” (double plate) requirement para sa motorsiklo.

Sang-ayon sa R.A. 12209, ang mga dealers ng motorcycles ay dapat na irehistro ang mga units sa loob ng five working days of sale matapos maawtorisahan ng may-ari o owners.
Ang owners naman ay kailangang mag-report ng sale or disposition sa loob ng five working days.
Ang bagong may-ari ng motorcycle ay kailangang i-transfer ang ownership sa loob ng 20 working days matapos mabili ang unit.
Inaatasan ang Land Transportation Office (LTO) na mag-issue ng registration certificates sa loob ng dalawang working days matapos matanggap ang complete documentary requirements, kabilang ang clearance mula sa Philippine National Police-Highway Patrol Group.
Kailangan namang maisumite ng motorcycle dealers sa LTO ang annual report ng status ng lahat ng repossessed motorcycles na nasa kanilang pag-iingat.
Read: Pag-IBIG raises loan limits for members
NEW PENALTIES FOR DEALERS AND OWNERS OF MOTORCYCLE
Sa ilalim ng inamyendahang batas, ang orihinal na ipinataw na mabigat na multa at pagkakabilanggo ay binawasan.
Ang dealer, original owner, o ang bagong owner na mabibigong maka-comply sa mga itinakdang requirements ay kinakailangang magbayad ng multang hindi hihigit sa PHP5,000.
Mas mababa ito kumpara sa dating multa na PHP20,000 hanggang PHP50,000 at pagkakabilanggo.
Ang isang rider na mahuhuling nagmomotorsiklo nang walang plaka o readable number plate ay pagmumultahin ng PHP5,000.
Sobrang baba rin nito kumpara sa dating maximum penalty na PHP100,000.
Kapag hindi agad nai-report ang nawalang plaka sa loob ng 72 oras, may katapat itong multang PHP5,000—na mas mababa kaysa dating penalty na PHP20,000 hanggang PHP50,000.
Ang mahuhuling gumagamit ng nakaw na plaka ay papatawan ng multang hindi lalampas sa PHP20,000.
Mababa ito kumpara sa dating penalty na PHP50,000 hanggang P100,000, at pagkakabilanggo sa loob ng 12 taon.
Ang pagbura, tampering, forging, imitating, paglalagay ng takip o pagtatago sa mga numero ng plaka ay may karampatang parusang anim na buwan hanggang dalawang taong pagkakabilanggo, at multang PHP10,000.
Mas magaan ito kumpara sa orihinal na parusang anim na taong pagkakabilanggo.
Read: Why the toilet flush has one large and one small button
REQUIREMENTS FOR NUMBER PLATE OF MOTORCYCLES
Ang motorcycle owners na ang number plates ay hindi tumutugon sa provisions ng R.A. 12209 ay kinakailangang mag-renew ng kanilang registration at mag-apply para sa required readable number plate bago sumapit ang December 31, 2025.
Binibigyan naman ang LTO ng hanggang June 30, 2026 para makapag-produce, mag-release at mag-issue ng number plates.
Inatasan din ang LTO na mag-issue ng mas malaki, readable, at color-coded number plate para sa bawat motorcycle.
Ang font style at maging ang size ng number plate ay dapat na sumusunod sa nakasaad sa implementing rules and regulations ng inamyendahang batas.
Ang mga impormasyong nasa number plate ay kailangang nababasa o readable mula sa likurang bahagi ng motorcycle sa layong hanggang 15 metro.
Magkakabisa ang R.A. 12209 matapos ang 15 araw kapag nailathala na ito sa Official Gazette, o sa pahayagang may general circulation.
Read: DepEd: School year 2025-2026 to start on June 16
R.A. 12209 A VICTORY FOR MOTORCYCLE-RIDING COMMUNITY
Nagpahayag naman ng pagkatuwa ang ilang senador sa pagiging ganap na batas ng R.A. 12209.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Tolentino, ang principal sponsor and co-author ng naturang batas, “This is a victory for the motorcycle-riding community.
“It’s a landmark legislation and a legacy of the 19th Congress that addresses the everyday concerns of millions of riders.”
Para naman kay Sen, Joseph Victor Ejercito, ang R.A. 12209 ay long overdue na.
Dagdag pa niya: “This law brings fairness and common sense. It ensures public safety without punishing innocent riders.
“The front plate was not only impractical but also posed safety risks for many motorcycles.
“Hindi na nga ma-supply ang plate numbers, dodoblehin pa sana. This law addresses that backlog while still upholding accountability on the road.”
Read: Embassy of Japan scraps visa fee for Filipino tourists
