Lahat tayo naranasang matapon o malaglag ang pagkain sa sahig—at siyempre ay nadidismaya lalo na kung masarap iyon at gusto pa nating kainin.
Kapag may ibang taong nakakita sa atin, uudyukan tayong damputin iyon at kainin sabay sabing: “Wala pang five seconds!”
Ang “Wala pang five seconds!” ang tinatawag na “so-called old school rule,” na ang natapong pagkain sa sahig ay safe pang kainin.

Ayon sa artikulong nalathala sa website na Science Friday, February 20, 2019, may mga sources na nagsasabing ang five-second rule ay nagmula noong "Khan Rule" at inia-attribute kay Genghis Khan—na ang natapong pagkain sa sahig kapag may piging ay ikinukonsiderang ligtas pa ring kainin.
Batay na rin ito sa paniniwalang ang lahat ng pagkain na inihanda para kay Khan ay tiyak na good and safe, kahit saan pa ito bumagsak.
Ang naturang myth ay mas pinasikat pa noong 1960s ni Julia Child.
Nalaglag ni Julia ang kinakaing pancake sa ibabaw ng stove—pero dinampot niya iyon at kinain sabay sabing wala pa namang five seconds.
Read: Korean YouTuber faces backlash in South Korea over breastmilk videos with Pinay moms
MICROBIOLOGIST TESTS THE FIVE-SECOND RULE
Ang five-second rule ay sinubukan ng microbiologist na si Nicholas Aicher noong January 31, 2025.
Si Nicholas ay naka-base sa Chicago.
Isa siyang senior quality control analyst, at kilala sa paggawa ng TikTok videos kung saan sina-swab niya ang public surfaces gaya ng gas station pumps, fitting rooms, public transportation bins, beauty testers, at movie theater seats para i-test kung may bacteria.
Ang kanyang account na @howdirtyis ay may 450.2K followers at 11.2M likes.
Ani Nicholas sa ginagawang bacteria testing, “I thought it would be fun for people to know all the little nastiness that we don’t think about every day.”
Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food
THE RESULTS OF FIVE-SECOND RULE
Sa video clip na ini-upload ni Nicholas na may caption na, published as is: “Is there any truth to the 5 second rule?” ay naglagay siya ng petri dishes sa ground sa loob ng iba’t ibang specific times—mula zero seconds hanggang one minute.

Matapos ma-incubate ang samples sa cultivator, ibinunyag ni Nicholas kung alin sa mga ito ang may ebidensiya na nagkaroon ng microbial growth.
Batay sa resulta, lahat ng samples ay may bacterial spots.

Ani Nicholas habang ipinapakita ang petri dishes na may bacterial spots, “Looks like even zero seconds is too long.”
Binigyang-diin din niya na ang one-minute sample ay nagkaroon ng same amount of bacteria gaya ng taglay ng five-second sample.
Deklara niya, “Five seconds or 60, it’ll be nasty either way.”
Read: Stir-fried cassia caterpillars, Vietnam’s exotic food
NETIZENS REACT
Naturalmente, na-shock ang mga followers ni Nicholas maging ang iba pang nakapanood ng kanyang video.
Nagpahayag ng pagkadismaya ang mga nagsabing sinusunod nila ang five-second rule.
Marami tuloy ang nagsabing: “Never eating food from the floor again.”
May mga hindi kumbinsido sa resulta ng experiment ni Nicholas dahil kailangan umano ng “control sample” para maging accurate.
Anang mga ito: “Need a control. One that doesn’t touch the floor but is opened to air and then closed.”
Dagdag pa ng ibang nagkomento, magpapanggap silang hindi napanood ang video ni Nicholas para mapayapang maipagpatuloy ang five-second rule.
Pagdi-dismiss pa ng isa sa findings ni Nicholas, “I was doing the five-second rule throughout my childhood and I'm still healthy.”
Pagbibigay-katwiran naman ng isang nagkomento, “The real factor is just how badly you don’t want to waste what was dropped.”
Read: Man lives by eating 2 slices of toasted bread with butter daily
UNIVERSITY RESEARCHERS SAY FIVE-SECOND RULE IS JUST A MYTH
Matapos ang experiment ni Nicholas, naging viral ang kanyang video at patuloy pa ring pinagtatalunan ang tungkol sa five-second rule.
Pero sa artikulong nalathala sa website na UAB News noong March 3, 2025, ang naturang rule ay dapat na ituring na myth lang talaga, at mas dapat paniwalaan ang siyensya.

Ayon sa mga researchers ng University of Alabama sa Birmingham, ang bacteria ay agad dumidikit sa pagkain sa oras na magkaroon ng contact.
Paliwanag ni Jessica Scoffield, Ph.D., associate professor ng UAB Department of Microbiology: “Bacteria can transfer to food the moment it touches a surface.
“Moisture significantly increases this transfer, and the type of surface and type of food also influence how quickly it happens.”
Read: Why Filipino hot dogs are so unique
SURFACE CLEANLINESS NOT A FACTOR
Ipinaliwanag ni Scoffield na natural lang na may malaglag na pagkain, pero dapat na alam natin kung gaano kalaking risk ang dala nito kapag dinampot at kinain pa rin pagdating sa bacterial contamination.
“The more contaminated a surface is, the higher the likelihood of bacteria’s being transferred to food.”
Bagaman at ang mga surfaces gaya ng sahig, mesa, at countertops ay mukhang malinis, nagtataglay pa rin ang mga ito ng harmful bacteria na hindi visible sa naked eyes.
Payo ni Scoffield, mas ligtas na pabayaan na lang ang natapong pagkain sa kahit anong surface at huwag nang damputin at kainin para maiwasan ang panganib ng contamination.
Read: REPORT: Pork is world’s most consumed meat
BETTER SAFE THAN SORRY
Maituturing ang natapong pagkain na minor inconvenience, pero ang totoo, mas malaki ang dala nitong panganib.
Maaari itong magkaroon ng contact sa napakaraming contaminants—mula sa mga sapatos at pets.
Ani Scoffield: “I always remind people that it’s better to be safe than sorry.
“Considering the variety of contaminants like shoes, dust, pets and luggage that many floors are exposed to, it’s wise to simply discard the food.”
Huwag na umano tayong manghinayang at sa halip ay isipin na kung ibabasura na lang ang natapong pagkain, mas nakatipid sa gastos kung magkakasakit.
Read: Dubai chocolate causes global pistachio shortage
FIVE-SECOND RULE NOT a SCIENTIFICALLY SUPPORTED FOOD SAFETY PRACTICE
Ipinaliwanag ni Scoffield na ang mga estudyante ng University of Alabama na nagsagawa ng experiment sa kanya mismong laboratory ay nag-swab ng kanilang mga kamay, cellphones, backpacks, desks, at doorknobs.
Ang mga nakuhang samples ay na-culture sa bacterial growth media.
Ani Scoffield: “Students are always in shock about the amount and different types of bacteria that grow on the petri dishes.
“While a person’s first instinct is often to discard food dropped on the ground, it’s important to remember that the same types of bacteria found on the floor are also present on common surfaces like cellphones, doorknobs, elevator buttons and hands.”
Paalala pa niya, para mabawasan ang risk of contamination, tiyakin na naghugas ng kamay bago kumain.
At sa susunod na nalaglag ang inyong kinakain—gaano man iyon kasarap at biglang sasagi sa inyong isipan na “Wala pang five seconds,” tandaan na ang rule na ito ay isa lang urban legend.
Isa itong misconception—at lalong hindi scientifically supported food safety practice.
