Isinagawa ngayong May 21, 2025 ang GMA Network Annual Stockholders' Meeting via Zoom.
Ang naging host ng okasyon ay ang Kapuso newscaster na si Pia Arcangel.

Sa meeting ay binigyang-diin ni GMA President and CEO Gilberto R. Duavit, Jr. ang magandang performance ng network sa kabila ng maraming pagsubok na pang-ekonomiya.
Ayon kay Duavit, “We retained our position as the convincingly dominant TV broadcast network in the country.”
Read: Matteo Guidicelli champions Filipino soldiers in special docu
GMA COMMANDS BROADCAST MEDIA LEADERSHIP
Napanatili ng GMA Network ang status nito bilang top TV broadcast network sa Pilipinas noong 2024.
Batay sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) People Ratings ng Nielsen, ang main GMA channel ay may average na 5.1 rating points.
Sinundan ito ng TV5 na may 1.9, at ng second channel ng GMA na GTV na may 1.2.
Nangunguna rin ang GMA sa Philippine National TV Audience Measurement (PHINTAM) People ratings ng Nielsen.
May average 4.7 rating points ito—na mas mataas muli kumpara sa TV5 (1.7) at GTV (1.1).
Dinomina rin ng mga programa ng GMA ang listahan ng top 30 shows. Mayroon itong 26 entries sa NUTAM at 27 sa PHINTAM.

Nangunguna sa dalawang listahan ang multi-awarded public affairs show na Kapuso Mo, Jessica Soho.
Labingsiyam (19) naman sa top 25 News, Public Affairs/Service programs sa NUTAM at PHINTAM ay mula sa GMA—na pinangungunahan pa rin ng Kapuso Mo, Jessica Soho kasunod ang 24 Oras at 24 Oras Weekend.
Pagdating sa radio, patuloy na nangunguna sa Metro Manila ang flagship stations ng GMA na Super Radyo DZBB 594 kHz at DWLS 97.1 Forever!
Batay ito sa datos mula sa Radio Audience Measurement (RAM) ng Nielsen.
Dumami ang nakikinig sa DZBB na may audience share na 43.4 percent noong 2024.
Ang DWLS 97.1 ay may kabuuang increased audience share na 50.5 percent.
Maging ang GMA stations sa Iloilo (AM and FM) at Baguio (FM) ay No. 1 sa kanilang respective areas, batay sa Key Cities RAM ng Nielsen para sa fourth quarter ng 2024.
Nananatiling preferred news sources sa mga rehiyon ang GMA Regional TV newscasts na kinabibilangan ng One North Central Luzon, Balitang Bisdak, One Western Visayas, at One Mindanao.
Nakakuha ang mga regional TV newscasts na ito ng kabuuang viewers na tinatayang nasa 20 million.
Read: Charo, chicharon ang TF bilang co-host ni Kuya Germs sa GMA-7
GMA STRENGTHENS DIGITAL DOMINANCE
Patuloy rin ang momentum ng GMA pagdating sa digital space.
Noong 2024, ang GMA ang highest-ranking media company sa buong Southeast Asia, batay sa Tubular Labs’ Leaderboard for Media and entertainment properties sa loob ng 11 consecutive months—na may global rankings na 15th and 20th place within the same period.
Batay sa katulad na Tubular Labs data, ang official social media accounts ng GMA ay nakapag-tally ng kabuuang 45.5 billion video views sa Facebook, YouTube, at TikTok.
Nangunguna naman ang GMANetwork.com sa lahat ng Filipino publishers sa local rankings sa loob ng limang buwan noong second semester ng 2024, at sa global rankings sa loob ng three months sa katulad na panahon, batay sa datos ng Similar Web.
Ang Total Subscribers/Followers/Users ng GMA sa lahat ng digital platforms, maging ang digital revenue, ay lumaki ng 14 percent year-on-year.
Read: Eleksyon 2025 ng GMA-7, tinalo ang Batang Quiapo sa ratings
GMA’S CINEMATIC SUCCESSES
Ang film production ng GMA, sa pangunguna ng GMA Pictures, ay malaki ring tagumpay noong 2024.
Naging big winner ang Green Bones, co-produced ng GMA Public Affairs, sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).
Tumanggap ang Balota, isang collaboration sa GMA Entertainment Group, ng mga papuri mula sa movie critics, at naging top-grosser sa Cinemalaya.
Naitala naman ng Hello, Love, Again ang record para sa highest-grossing Filipino film of all time. Pinagtambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang blockbuster film ay isang Star Cinema-GMA Pictures co-production. Ang Star Cinema ay film company arm ng ABS-CBN.

Ilang titles ng GMA ang nabigyan ng license para sa iba’t ibang streaming platforms. Ang multi-awarded film na Firefly ay nasa Prime Video.
Ang highly acclaimed drama series na Pulang Araw at Balota ay nasa Netflix. Nakatakda na ring ipalabas sa naturang platform ang Everything About My Wife.
Read: Kathryn Bernardo at Alden Richards, bibida sa Marimar remake?
GMA’S OPERATIONAL HIGHLIGHTS
Bagaman at ang 2024 ay isang challenging year para sa GMA, nagtapos ang taon para sa network na may consolidated Net Income After Tax (NIAT) na PHP2.065 billion.
Mababa ito ng 35 percent year-on-year.
Ang consolidated net revenues ay umabot sa PHP17.565 billion, mababa ng 6 percent mula sa nakalipas na taon.
Ang naging total operating expenses ng GMA noong 2024 ay PHP14.386 billion, mataas lang ng dalawang porsiyento kumpara noong 2023.
Kabilang na rito ang non-recurring expense na PHP118.62 million para sa Collective Bargaining Agreement.
Read: Joseph Morong, ipinagtanggol si Mariz Umali sa bashers
GMA UPGRADES FOR DIGITAL AND ANALOG PLATFORMS
Para mapanatili ang pangunguna sa broadcast-terrestrial reach, ang GMA ay nagdagdag ng walong bagong DTT (Digital Terrestrial Television) stations at isang upgraded analog TV station.
Ang network ay mayroon na ngayong kabuuang 115 analog and digital TV transmitter stations sa buong bansa.
Ayon kay Duavit: “As we go forward, no effort is spared toward achieving our objective of value optimization in the broadcast and digital spaces, keeping a keen eye out to ensure our continued leadership and competitiveness in both.”
Ngayong taon ay ipagdiriwang ng Kapuso network ang ika-75 anibersaryo.
Sa paglipas ng panahon, patuloy na sumasabay ang GMA sa nagbabagong viewing preferences ng lumalaking global audience.
Niyayakap din ng network ang digital transformation at mga pagbabago sa paghahatid ng mga balita, impormasyon, at mga kuwento, habang patuloy na pinalalawak ang reach sa lahat ng platforms.
