PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

DOTr starts removing X-ray machines at MRT-3 stations; here's why

Some passengers are now concerned about security.
by Bernie V. Franco
Published May 29, 2025
MRT inspection
The Department of Transportation (DOTr) announced in a Facebook post that the removal of X-ray machines used for baggage inspections at MRT-3 stations will continue. The agency explained that this measure aims to prevent passenger congestion and streamline entry into the train stations.
PHOTO/S: DOTR via Facebook

Sunud-sunod ang gagawing pagtatanggal sa mga X-ray machines na nakapuwesto sa mga entrances ng Metro Rail Transit (MRT) stations sa mga susunod na linggo.

Isusulong ding mas maaga—4 A.M.—ang pagbubukas ng MRT.

Ito ang ilan sa mga gagagawing paghahanda ng Department of Transportation (DOTr) sa inaasahang pagdagsa ng mga tao pag nagsimula na ang EDSA Rebuild program sa June 13, 2025.

Halos kasabay din nito kasi ang pagsisimula ng pasukan ng ibang paaralan sa June 16.

And take note: sa 2027 matatapos ang rehabilitation ng isa sa pinaka-busy na highway sa Metro Manila.

Read: Meet Tobi Leung, valedictorian of Ateneo Class of 2025

REMOVAL OF X-RAY MACHINES AND PUSHING FOR EARLIER OPERATION

Ang pagtatanggal ng X-ray machines para sa baggage inspection ang nakitang dahilan ng build-up ng pila ng mga pasaherong papasok sa platforms.

Kaya papalitan ang mga X-ray machines ng metal detectors.

Bukod dito, mula sa kasalukuyang 20 trains, magdadagdag ang MRT management ng tatlo pang tren pagsapit ng peak hours.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ganitong paraan, mas maraming pasahero ang makakauwi agad.

Inaasahang ang waiting time ay magiging lima hanggang 10 minutes, na dati ay umaabot ng 30-45 minutes.

“Thirty minutes ang mawawala sa pila time at travel time,” pahayag ni DOTr Secretary Vince Dizon sa interview ng GMA Integrated News, May 28, 2025.

Binanggit din niyang nakikipag-usap siya sa MRT management na gawing 30 minutes earlier ang pagbubukas ng MRT.

“Sa gabi kasi, medyo sagad na tayo na halos 11:00 P.M. na nagsasara ang MRT-3 and kailangan ng maintenance time,” ani Dizon.

“Pinipilit natin ngayon na 4:30 A.M. ang pag-umpisa, gagawin nating 4:00 A.M. Pinipilit ko pa iyon sa ating maintenance operator.”

Tinatayang higit sa 370,000 ang bilang ng mga pasahero ng MRT-3 kada araw.

MRT inspection
Coast Guard personnel and K-9 units will be deployed at MRT-3 stations following the removal of X-ray machines for baggage inspection.
Photo/s: DOTR via Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALTERNATIVE SECURITY STEPS

Ilang pasahero naman ang nangangamba pagdating sa seguridad sa MRT-3.

Ganito rin ang sentimiyento ng mga netizens.

Ang naging solusyon dito ng DOTr, bukod sa mga nakatalagang metal detectors, magkakaroon ng armed coast guard personnel at bomb-sniffing K-9 units sa mga istasyon.

Sabi ng kalihim, “Nag-increase tayo ng visibility ng Coast Guard and reinforcement visibility na medyo kamukha sa ibang bansa, na ang mga baril mahahaba para deterrent. Kasi yun ang nakita natin sa ibang bansa ginagawa, e.”

Post ng DOTr sa FB page nito ngayong Huwebes: “Isusunod na ring tanggalin ang X-ray machines sa iba pang mga istasyon sa susunod na linggo.

“Nananatili namang mahigpit ang seguridad sa mga istasyon ng tren sa tulong ng PCG, K9 units at mga security cameras.”

Read: OFW in Canada gifted with million-dollar house by employer

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Department of Transportation (DOTr) announced in a Facebook post that the removal of X-ray machines used for baggage inspections at MRT-3 stations will continue. The agency explained that this measure aims to prevent passenger congestion and streamline entry into the train stations.
PHOTO/S: DOTR via Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results