Inalis na ng Commission on Elections (COMELEC) ang barangay certificate bilang isa sa mga requirements para sa voter registration.
Nagagamit daw kasi ito ng mga tiwaling barangay officials para makalusot ang mga flying voters.

Nagpaliwanag si COMELEC Chairman George Garcia sa ginanap na monthly Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA) nitong May 29, 2025, sa Harbor View Restaurant, Ermita, Manila.
Aniya, "To avoid that, we are removing barangay certificate as part of the requirements for voter registration.
"This is the first time that we will no longer accept such certificate.
“We will remove barangay certificate from the enumeration of what can be used as proof of residency."
Read: MMDA to implement odd-even scheme during EDSA rebuild
Sa naturang forum, isiniwalat ni Garcia na umaabot sa 9,000 hanggang 30,000 botante ang lumalabas na lumipat sa ibang barangay.
Ang pag-aalis sa barangay certificate bilang requirement ay ipapatupad sa July 1-11 voter registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ipapatupad din ito para sa magaganap na voter registration sa susunod na taon in time for the 2028 presidential elections.
Read: GMA-7 reports P2.065 billion net income after tax for 2024
COMELEC WARNS BSKE ASPIRANTS OF PREMATURE CAMPAIGNING
Samantala, inaasahang nasa tatlong milyon ang magpapatalang botante para sa susunod na presidential elections.
Kung sakali, aabot na sa 71 milyon ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante.
Sa ginanap na May 12 midterm elections, nasa 68 million registered voters ang naitala.
Ipinaliwanag din ni Garcia na hindi gaya ng national and local elections, kung saan ang aspirants ay opisyal na itinuturing na kandidato kapag nag-umpisa na ang campaign period, ang mga tatakbo sa BSKE ay magsisimulang maging kandidato pagkatapos magsumite ng kanilang certificates of candidacy.
Babala niya, makakasuhan ang sinumang mangangampanya bago ang filing period na nakatakda sa October 1-7.
Ang BSKE ay gaganapin sa December 1, 2025.
Read: Plastic bottle wastes to be used in road projects, says DPWH
