Opisyal nang inilunsad ng Malacañang ang Pamilya Pass 1+3 program ng train systems sa Metro Manila kahapon, June 1, 2025.
Sa ilalim nito, magkakaloob ng libreng sakay tuwing Sunday para sa tatlong kasama ng bawat paying passenger.
Ang free rides ay valid sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit Lines 1 and 2.
Read: Barangay certificate no longer a voter registration requirement
PRESIDENT ENCOURAGES PUBLIC TO AVAIL OF PAMILYA PASS 1+3 PROGRAM
Sa pagsisimula ng roll-out ng Pamilya Pass 1+3 program, sumakay sina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang kanilang tatlong anak na lalaki sa MRT-3 train sa GMA-Kamuning Station sa Quezon City.

Inimbitahan nila ang publiko na samantalahin ang programa.
Ang sabi ng Pangulo: “Ang kultura ng Pilipino, pag Linggo, sa pamilya iyan.
“Kapag Linggo, kapag bibili ka ng ticket, plus three ang puwede mong isakay.
“Ibig sabihin, sa isang ticket, apat ang puwedeng sumakay.”
Read: New law scraps “doble plaka” requirement on motorcycle
PAMILYA PASS 1+3 PROGRAM SUPPORTED BY DOTR
Ang Pamilya Pass 1+3 program ay pagsulong sa bonding time ng pamilyang Pilipino.
Ayon pa sa Pangulo: “Sana naman mabigyan natin ang ating mga kababayan na maramdaman nila ang Linggo.
“Bigyan natin ng chance na magkasama na walang dagdag na bayad para lang makasama ang inyong pamilya.”
Ito ay initiative ng Department of Transportation (DOTr).
Matatapos ang programa sa huling Sunday ng 2028, ang taon na matatapos ang termino ng Pangulo.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon: “Kabilin-bilinan ng Pangulong Bongbong Marcos na gawing mas abot-kaya ang pampublikong transportasyon.
"Ang inisyatiba na ito ay makakatulong maibsan ang gastos ng mga pamilya para mas masaya ang kanilang family time every Sunday."
