Naglabas ang Philippine Postal Corporation ng special commemorative stamp bilang pagkilala sa namayapang si Pope Francis.
Ibinahagi ito ng PHLPost sa official Facebook account nito last June 5, 2025.

Ito umano ang paraan ng corporation upang dakilain ang pamanang pananampalataya, pagmamalasakit, at serbisyo sa sangkatauhan ng Santo Papa.
Dagdag ni PHLPost Postmaster General and Chief Executive Officer Luis Carlos, ang inisyatiba ay "humble way of honoring a global religious figure who has touched countless lives, including millions of Filipinos."
Read: Meet Amalia Damonte, Pope Francis’s childhood sweetheart
POPE FRANCIS COMMEMORATIVE STAMPS UNIQUE FORMAT
Ang Pope Francis stamp ay nasa se-tenant format o magkakaiba ang disenyo ng bawat selyo at magkakadikit noong iimprenta.
Ang naturang format ay sumisimbolo sa naging misyon at impluwensiya ng Santo Papa para sa kanyang naging religious and global humanitarian efforts.
Ayon sa PHLPost, isinasalarawan ng stamps ang spiritual humility ni Pope Francis, habang ipinapakita rin ang kanyang matatag na adbokasiya para sa kapayapaan, katarungang panlipunan, at pangangalaga sa kapaligiran.
Read: Pope Francis's Pinoy-made Pope Jeepney on display at Ateneo
POPE FRANCIS COMMEMORATIVE STAMPS CONSIDERED A COLLECTOR’S ITEM
May kabuuang 20,000 kopya ng Pope Francis commemorative stamp ang inimprenta.
May suplemento ito na 1,000 piraso ng Official First-Day Cover kasama ang newly issued stamps at cancellation postmark na nagsasaad ng official release date.
Itinuturing na mahalaga at pambihira ang mga items na ito para sa mga kolektor at tagahanga ng philately.
Noong 2015 ay naglabas din ang PHLPost ng stamps para kay Pope Francis, kabilang ang commemorative stamp ng kanyang pagbisita sa Pilipinas.
Makikita rito ang makasaysayan at madamdaming pagbisita niya sa Tacloban City, kung saan nagpakita siya ng pakikiisa sa mga naging biktima ng Typhoon Yolanda.
Naglabas din ang PHLPost ng stamp noong 2014 bilang pakikiisa sa unang anibersaryo ng kanyang pagiging Santo Papa.
Nahirang si Pope Francis noong 2013 at nagsilbi bilang ika-266 lider ng Roman Catholic Church at head of state ng Vatican City hanggang sa kanyang pagpanaw noong April 21, 2025.
Read: Meet Jessie Sincioco, the chef who prepared Pope Francis’s meals during Papal visit in 2015
HOW MUCH IS POPE FRANCIS COMMEMORATIVE STAMPS
Ang limited copies ng Pope Francis commemorative stamps at ng First-Day Covers ay available sa Manila Central Post Office.
Bawat stamp ay nagkakahalaga ng PHP17.
Binigyang-diin ng PHLPost na ang paglalabas ng Pope Francis commemorative stamps ay naka-align sa layunin ng corporation na gumamit ng philately o “the collection and study of postage stamps” bilang tool para sa edukasyon, heritage preservation, and cultural expression.
Read: Meet Sebastian Eviota, first full-blooded Pinoy na member ng Pontifical Swiss Guard
