Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Prostate Cancer Awareness Month ngayong June, hinihikayat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga kalalakihang Pilipino na magpakonsulta para sa prostate cancer screening.

Sa inilabas na news release ng PhilHealth sa official Facebook page nito last June 10, 2025, mayroong “Z benefits package” na nagkakahalaga ng PHP100,000 na sumasaklaw sa low to intermediate treatment para sa prostate cancer.
Read: Mukbang Queen keeps amazingly sexy body despite eating too much
WHO CAN AVAIL OF Z BENEFIT PACKAGE FOR PROSTATE CANCER—AND HOW
Ayon sa PhilHealth, ang mga kalalakihang Pilipinong edad 70 at pababa ay maaaring mag-avail ng Z benefits package sa alinmang PhilHealth-accredited hospitals and health facilities.
Ang mga gustong mag-avail ng naturang package ay kailangang makipag-ugnayan muna sa Z benefits coordinator na nakatalaga sa napiling contracted health facility para sa pre-authorization check bago sumailalim sa operasyon.
Para sa tamang gabay sa paggamit ng Z benefits package at listahan ng contracted facilities, tumawag sa (02) 8662-2588.
Read: PHLPost releases Pope Francis commemorative stamps
IMPORTANCE OF UNDERSTANDING PROSTATE CANCER
Layunin ng Prostate Cancer Awareness Month na ma-educate ang publiko tungkol sa prostate cancer, kabilang ang pagbibigay-kaalaman tungkol sa risk factors nito at kung bakit mahalaga ang early detection and screening.

Ayon sa Department of Health, ang prostate cancer ang ikalima sa listahan ng “most common cancers in the Philippines.”
Ito rin ang “third most common cancer type among men,” sunod sa lung and colorectal cancers.
Tinatayang 19 sa100,000 kalalakihan sa buong Pilipinas ang may prostate cancer.
Dahil dito, mas maikli ng anim na taon ang kanilang itinatagal sa mundo kumpara sa kababaihan.
Hindi lubusang matukoy ng health experts ang sanhi ng prostate cancer, ngunit factors dito ang pagkakaedad, sobrang pagtaba, lahi, at maging family history.
Kung sa pamilya ng isang lalaki ay maraming tinatamaan ng prostate cancer, malaki ang posibilidad na magkaroon din siya nito kaya importante ang maagang pagpapakonsulta.
Read: Woman shares shocking physical transformations during pregnancy
