PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

NCSC launches livelihood, training programs for senior citizens

To provide work and entrepreneurial opportunities
by KC Cordero
Published Jun 23, 2025
Artwork of Senior Citizens
Inilunsad ng National Commission of Senior Citizens ang mga programa para mapagkalooban ng trabaho at entrepreneurial opportunities ang mga senior citizens. (Photo: NCSC)

Plano ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na mas ma-empower ang mga nakatatandang Pilipino upang patuloy silang magkaroon ng pagkukunan ng ikabubuhay at madagdagan ang skills.

Sa isang panayam sa radyo noong June 18, 2025, sinabi ni NCSC officer-in-charge Mary Jean Loreche na nakipag-ugnayan na ang komisyon sa Department of Tourism, Technical Education and Skills Development Authority, at sa socio-civic arm ng SM Supermalls na SM Cares.

Ito ay para mapagkalooban ng trabaho at entrepreneurial opportunities ang senior citizens sa buong bansa.

The NCSC staff
Ang mga bumubuo sa National Commission of Senior Citizens nang ilunsad ang programang pangkabuhayan para sa mga nakatatanda. Photo: NCSC Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Loreche: “Ang sabi ng Pangulo natin, ang mga nakatatanda, bilang haligi ng ating bayan, should continue to be productive.

“Sila dapat ay kasama rin sa ating economic revolution.”

Read: COMELEC resets July voter registration period to October

Pirmado na ang NCSC ng kasunduan sa DOT para makuha ang serbisyo ng senior citizens sa tourism-rich areas bilang heritage site guides at maging sa hospitality services.

Ang TESDA ang mamamahala sa pagsasanay sa senior citizens na kailangan ng retooling o second career.

Pumayag naman ang SM Cares na suportahan ang product marketing at sa pag-e-explore kung mabibigyan ng trabaho sa business networks nito ang kuwalipikadong senior citizens.

Plano ring ilundad ng NCSC ang isang community-based food preservation enterprise sa Kidapawan City, Cotabato, na gumagamit ng local fruit harvests at matulungan ang senior citizens na mag-participate sa micro-entrepreneurship.

Read: DOH scraps purchase booklet requirement for senior meds discount

NCSC: NO AGE LIMIT FOR SENIOR CITIZENS WHO WANT TO JOIN THE PROGRAM

Walang age limits sa ilalim ng programang ito ng NCSC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Loreche: “Dalawa lang ang kailangan natin; able and capable.

“At pangatlo, willing siya."

Kabilang sa skills programs na kasalukuyang dini-develop ay para sa dairy production, agribusiness, at maging food processing.

Nakatakdang ilunsad ang pilot implementations sa National Capital Region, Cebu, at Kidapawan.

Read: Visa-free entry to Taiwan for Filipinos extended until 2026

MENTAL WELLNESS AND SOCIAL INCLUSION FOR SENIOR CITIZENS

Bukod sa economic initiatives para sa senior citizens, palalaganapin din ang kahalagahan ng mental wellness and social inclusion para sa kanila.

May community-based care centers na magkakaloob ng mga programa, gaya ng “Indak,” na isang porma ng dance therapy, na nakakatulong daw para maiwasan ang dementia.

Magdaraos din ng digital literacy sessions katuwang ang Department of Information and Communications Technology.

Ang mga aktibidad na ito para sa senior citizens ay planong simulan ngayong August 2025.

Read: PhilHealth to Pinoy men: Avail of prostate cancer benefit package

NCSC: PROGRAMS ARE FOR SENIORS CITIZENS WHO WANT TO REMAIN ACTIVE

May mga netizens na nagpahiwatig ng bahagyang pangamba sa programang ito ng NCSC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa talakayan sa official Facebook page ng NCSC last June 19, may mga nagtanong kung kaya pa ba ng senior citizens na mag-participate sa livelihood projects.

Anila, yung iba raw kasi ay hindi na makalakad.

May nagpanukala rin na isulong na lang ang social amelioration para sa mga ito para lahat ng senior citizens ay makinabang.

Paliwanag naman ng NCSC: “Ito po ay para lamang sa mga seniors na nagnanais pa na maging aktibo sa pagtanda sa pamamagitan ng mga oportunidad gaya na lamang ng livelihood programs.

“Patuloy po ang aming pakikipag-ugnayan sa mga mambabatas upang maisulong pa ang marami pang benepisyo para sa nakatatanda.”

Read: PHLPost releases Pope Francis commemorative stamps

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilunsad ng National Commission of Senior Citizens ang mga programa para mapagkalooban ng trabaho at entrepreneurial opportunities ang mga senior citizens. (Photo: NCSC)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results