Isang Philippine flag na tinatayang 127 years old na ang natagpuan ng local historian na si Errol Santillan sa Antique.
Nakikipag-ugnayan na siya ngayon sa National Historical Commission of the Philippines para ideklara ito bilang isang national treasure.

Bukod sa pagiging historian, si Santillan ay naglingkod din bilang dating board member ng Antique.
Pahayag niya sa panayam ng Philippine News Agency last June 24, 2025: “We also intend to seek a resolution from the Antique provincial board so it can be declared as an important historical and cultural heritage and be preserved.”
Read: DENR calls for protection of 43 heritage trees in Metro Manila
THE STORY BEHIND THE 127-YEAR-OLD PHILIPPINE FLAG
Ang natagpuang Philippine flag ay nasa pag-iingat ng pamilya ni 2nd Liutenant Ruperto Abellon.
Si Abellon ang second-in-command sa Visayas sa ilalim ni General Leandro Fullon noong panahon ng Philippine Revolution at ng Philippine-United States War.

Si Fullon ang nanguna sa armed expedition na ipinadala ni Gen. Emilio Aguinaldo mula sa Luzon para mabawi ang Antique mula sa mga Kastila noong September 6, 1898.
Batay sa mga tala sa Philippine history, isang pangkat na binubuo ng 140 opisyal at 340 sundalo ang dumating sa Pandan, Antique, noong September 21, 1898.
“The flag was brought and hoisted in Libertad, Antique, as part of the armed expedition in 1898,” pahayag ni Santillan.
Read: NCSC launches livelihood, training programs for senior citizens
MORE DETAILS ABOUT THE PHILIPPINE FLAG
Batay sa salaysay ng 79 anyos na apo ni Abellon na hindi na pinangalanan, ang Philippine flag ay pinaniniwalaang galing sa Hong Kong.
Dala-dala ito ni Aguinaldo nang magbalik sa Pilipinas noong May 19, 1898.
Binigyan si Santillan ng mga Abellon ng pahintulot na maisapubliko ang "century-old Philippine flag," na ayon sa local historian ay may sukat na "53 inches in width and 93 inches in length.”
Gawa aniya ito sa espesyal na materyal.
Tulad ng kasalukuyang bandila ng Pilipinas, taglay ng natagpuang Philippine flag ang mga kulay na pula, asul at puti; at ang tatlong bituin na sumisimbolo sa Luzon, Visayas at Mindanao.
